NADINE LUSTRE, HINDI NASISINDAK SA MGA TROLLS

Nadine Lustre

NATAWA AKO sa reply ni Nadine Lustre sa isang basher niya sa Instagram na nanggalaiti sa kanya.

Sa isang post niya recently, hinamon niya ang lukring na basher na: “2018 na, poser ka pa ba? Trololol. 2018 na, wala na bang bago?”

 Paulit-ulit na lang kasi ang bashing sa legitimate girlfriend ni James Reid (mainggit kayo) dahil may mga fans pa rin talaga ang naiinggit sa dalaga at hindi matanggap na siya ang minahal at pinili ni James para maging girlfriend.

In short, walang bago. Mga sirang plaka ika nga na naiinggit sa kanya.

Sa mga imbiyerna kay Nadine, heto ang advice niya: “If you’re angry, get active, release it. Count from 1 to 10. If you feel insecure, don’t make yourself better by insulting or bringing other people down, work on yourself instead. Improve yourself,” which for me ay tama. Erase, erase ang negativity. In short, deadmatology ang approach.

Panawagan niya sa mga nega at walang magawa na mga nagba-bash sa kanya: “To all the trolls, I don’t know you and y’all don’t know me. What makes you think your words will affect me and put me down?”

Tama!

Kaya para lalong maimbiyerna ang bashers, heto ang magandang balita. Sa February 11, Nadine and James are celebrating their 2nd year of love just a few days after their concert “Revolution” set at the Big Dome (Araneta Coliseum) on February 12.

Nadine Lustre and James Reid

I’m sure, malukring-lukring ang mga trolls ni Nadine nito.

At the launch of Revolution, James was very proud of Nadine as his girlfriend. Seryoso ang binata sa dalaga na I’m sure ay dagdag kilig sa mga JaDine fans worldwide.

Sa naturang event ay panay ang holding hands ng dalawa na patunay lang kung gaano sila ka-open sa relationship nila at pagmamahal sa isa’t isa.

Sa mga fans ng dalawa, aside from their Araneta concert (with guests like Sarah Geronimo and Vice Ganda) ay magsasama sila muli sa on primetime television sa ABS-CBN to be directed by Direk Dan Villegas na magsisimula ang taping by the 2nd quarter of 2018.

For Revolution tickets, call Viva Live at 687-7236.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.