Nadine Lustre, gustong maka-first experience si James Reid

Nadine Lustre

Nadine Lustre

Masayang-masaya si Nadine Lustre dahil may bago na naman siyang endorsement, at ito ang Nails.Glow na pag-aari ng napakabait na mag-asawang Aj at Ferdie Opena.
Last  November 26 nga ang naging launching ng aktres bilang bagong endorser at franchisee ng nasabing nail spa na ginanap sa Microtel Hotel sa UP Technohub, kung saan present ang mga magulang ni Nadine.
Part nga ng pagiging endorser ni Nadine ng nail spa ang pagkakaroon nito ng sariling branch na sa January raw ang opening.
And if ever nga raw na may gusto siyang unang taong maka experience ng serbisyo ng kanyang sariling nail spa, walamg iba kung hindi ang kanyang ka-love team at boyfriend na si James Reid.
Ito nga raw ang magsisilbing kauna-unahang business ni Nadine. Ayon sa kanya, si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainement ang nang-engganyo sa kanya na magkaroon ng business.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.