Nadia Montenegro, hinahabol sa P2-M!

ISANG BABAE ANG naghahabol ngayon kay Nadia Montenegro. Gusto raw kasi nito na mabawi ang diumano’y 2 million pesos na ibinigay raw sa aktres. Ito’y kaugnay ng naging transaksiyon nila diumano tungkol sa mga dapat sanay isu-supply na T-shirts na gagamitin sana noong nakaraang national election.

May nakapagsabi raw sa nabanggit na girl na meron daw alam si Nadia na supplier ng T-shirt na makukuha sa mas mura umanong halaga. And since magkakilala naman daw ang girl na ito at ang aktres, nag-usap sila at nagkasarahan ng deal.

Dahil kumpiyansa naman daw ang babae sa naging usapan nila ni Nadia, ibinigay raw agad nito ang halagang 2 million pesos sa aktres. Sa umpisa, may naipa-deliver naman daw si Nadia na paunang bundle ng T-shirts pero halagang P50,000 lang daw ang estimated worth nito. At wala na raw sumunod pa.

Dumating ang araw ng eleksiyon, nagkabilangan na ng boto, hanggang sa naiproklama na ang mga kandidatong nanalo, wala pa rin daw ‘yong mga T-shirts. Dumaan ang mga buwan, wala pa rin. Matatapos na ang kasalukuyang taon, hindi na raw nakipaglinawan pa si Nadia kung ano na.

Ilang beses naman daw nakausap dati ng nasabing babae si Nadia. Ang dahilan daw ng aktres, naloko rin siya diumano ng isang Chinese businessman na ka-deal niya para nga sa mga nasabing T-shirts.

Kalaunan daw, umiiwas na si Nadia na makipag-usap pa sa nasabing babaeng nakuhanan nga niya umano ng P2-M. Sa mga pagkakataong nakakausap daw sila, ang aktres pa raw ang galit at nagtataray sa nasabing babae.

Umabot na nga raw sa puntong halos magmakaawa na raw ang babae na gawan daw sana ng paraan nitong si Nadia na maibalik kahit paunti-unti ‘yong pera dahil ‘yong nasabing P2-M na naibigay sa aktres, hindi lang daw pala pera lang ng babae, kundi ilan silang magkakaibigang nag-ambagan para mabuo ang nasabing halaga.

Pero wala raw naging saysay ang pakikiusap ng nasabing babae. Hanggang sa dumating sa point na hindi na raw nito mahagilap si Nadia dahil lumipat na raw ng tirahan ang aktres. At wala na raw makapagsabi sa naturang girl na naghahabol kung saan na niya hahanapin ang huli.

Kaya patuloy ang panawagan ngayon ng babae kay Nadia na makipag-usap naman daw sana sa kanya. Kasi’y hindi naman daw pupuwedeng basta gano’n na lang ang mangyayari. Na deadma na lang daw si Nadia tungkol sa perang nakuha. Hindi birong halaga rin daw ‘yong P2-M.

Sakaling hindi pa rin daw makipag-ugnayan si Nadia sa nasabing babae, baka ang sunod na hakbang raw nito ay mag-seek ng legal advice. And from there, idaan sa kung anumang prosesong nararapat para maresolba ang usapin.

Kung sa bagay, kapag mga ganyang reklamo o kaso, dalawa lang naman ang patutunguhan, areglo o asunto?

Sa isang banda, bukas ang espasyo ng kolum na ito para sa panig naman ni Nadia Montenegro. Siyempre, kailangan din namang marinig ang paglilinaw niya tungkol sa usaping ito.

Naman!

AYAW PA RING paawat at parang nagwawalang kabayong nakawala sa kuwadra kung sumipa sa takilya hanggang ngayon ang Petrang Kabayo na launching movie ni Vice Ganda. From 107 million na total gross nito on its first six days sa mga sinehan, inaasang aabot ito ng 200 million on it’s entire run.

Siyempre pa, ngiting kabayo… este full smile si Vice sa hindi inaasahang tagumpay sa takilya ng unang pagbibida niyang ito sa takilya. Kung sa umpisa’y pakiramdam niya ay panaginip lang yata ang lahat, ngayon ay unti-unti nang nagsi-sink in sa kanya na totoo ngang mega-blockbuster ang pelikula niya.

Pero ayaw umano niyang i-entertain ang idea na puwedeng siya na ang sunod na Box-Office King. Pero kung sa pagiging box-office star, at ito na ang tingin sa kanya ng marami, hindi na raw siya kukontra.

Natanong nga namin si Vice tungkol sa kasabihan na kapag major winner sa career, major loser naman pagdating sa lovelife.  Ang mabilis naman niyang reaksiyon: “Ay, hindi. Hindi naman chaka ang lovelife ko! In fairness. Hindi ko rin naman masasabing bonggang-bongga dahil wala namang perfect na relasyon. Pero mas bongga ngayon ang lovelife ko kesa sa career ko.”

Ganyan? Hindi naman kaya dahil sa status niya ngayon? Kasi kahit sinong gay na gaya niyang very popular na at madatung, loveable sa tingin ng mga papable, ‘di ba?

“Ay, hindi. True ang lovelife ko. Pramis! Wala pa ako sa ganitong kinalalagyan ko ngayon, nandiyan na ‘yong lovelife ko na happy naman ako,” kampante pa niyang nasabi.

Talagang ganda lang ang pinuhunan ni Vice Ganda sa lovelife niya?

Ang

taray!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Nadia Montenegro, hinahabol sa P2-M!

  1. Kaya nga tinawag ng sawsawan ng bayan noon and ngayon pa man. Pati ba naman yung gulo kay Gabby Concepcion and Flamiano pakikialaman din niya. Kaya tuloy tinawag siya ng “Mantika”. Sa Barreto sisters din saw saw din siya, tinawag siyang “Lilet” Lilechonin. Nagasawa ka na ng mayaman na politician, eh di doon ka humingi ng pera~ Estafa ‘to! wats nalang natin lahat.

  2. PAKIALAMERA ITONG SI NADIA SA PROBLEMA NANG IBA PERO ANG SARILI HINDI MAAYOS AYOS. SIYA PALA IYONG NA BLIND AITEM NOON. ESTAFA ANG LABAS NITO. KAYA SIGURO PROTECTIVE SIYA SA DALAWANG ANAK NA NASA TV 5.

  3. ang dami ng gulo na pinasukan itong si nadia. Ano ang mgiging kaso niya kung sakla baka estafa at may kulong iyan. Pero knowing hawak niya sa leeg si Mark H tiyak babayaran ito ni Mark

  4. hay naku kaya ayaw niyang pakawalan si Mark Herras para kay Ina. Kay inulukan si Mark na siya na lang ang maghawak ng pera nito. Pag itong si Mark H ay hindi nagpakatalino sa kangkungan din ang bagsak niya dahil mayado na siyang nabrainwash ni Nadia

Leave a Reply

Your email address will not be published.