Nadia Montenegro, deadma sa isyu ng ‘utang’ niya kay Mark Herras

ON OUR way up the 7th floor of the GMA Main Bldg. para sa isang meeting, nakasalubong namin sa lobby si Ynna Asistio. ‘Yun ang araw na binubuo ng Startalk ang kumpirmado nang balitang break na sila ng nobyong si Mark Herras.

Unlike a typical soul who just came from a failed relationship, mukha namang maaliwalas ang mundo ni Ynna with nary a trace of sadness.

Pero higit pa sa parehong panig ng dating magsyota ang layunin ng Startalk.

Sa isang online media outlet, bagama’t blind item ang lumabas ay walang ibang pinatutungkulan ang artikulo kundi ang ina ni Ynna, si Nadia Montenegro, as owing her daughter’s boyfriend (Mark) a sizeable amount of money.

Iba-ibang halaga ng utang umano ni Nadia kay Mark ang lumalabas: may P400K, meron ding aabot sa milyong piso. But in all probability, tiyak na ilang daang libo lang daw ang atraso ni Nadia kay Mark.

Whichever, malaking pera rin ‘yon, galing sa pinaghirapan ni Mark. At hindi naman para hindi pautangin ni Mark si Nadia lalo’t nobya nito ang kanyang anak.

Sa ngayon, problemado raw ang aktor kung masisingil pa raw niya si Nadia now that he and Ynna are no longer a couple.

Nang i-text ng Startalk si Nadia para kunin ang kanyang panig, sagot ng dating aktres, “Si Mark na lang ang tanungin n’yo.” Nang maispatan din ng Startalk si Nadia sa GMA, the showbiz mother further declined to comment.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Nadia Montenegro, deadma sa isyu ng ‘utang’ niya kay Mark Herras

  1. Naku nmn Mark bayad mo nyn sa kakakantot mo kay Ynna birhen p yn ng makuha mo 14 or 15yo lng yn nung nging kayo buti nga dka nchild abuse eh puto ka Mark maniningil kp kapal nmn ng fez   mo!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.