Nadia Montenegro, balik sa pag-arte

BALIK NA naman sa pagharap sa kamera ang aming friend na si Nadia Montenegro. Balik ABS-CBN 2 siya dahil nga kasali siya sa seryeng pagbibidahan ni Jessy Mendiola na Maria Mercedes at sa direksiyon ni Chito Roño.

Masaya si Nads dahil nga matagal din niyang hinintay ang pagkakataon na bumalik sa pag-arte. Nanay ni Jason Abalos ang kanyang role.

Parang nabunutan na rin siya ng tinik nang matapos ang awayan nila ni Annabelle Rama. Nagkaayos na nga sila at isang gabi ay nagkaroon na rin sila ng isang seryosong dinner.

“‘Eto na ‘yung hinihintay ko, ang patuloy na maayos ko ang lahat. At heto na nga,” sabi niya sa amin.

“May meeting ako sa GMA-7 para sa career ng mga anak ko,” saad pa niya.

Sa mga hindi nakaaalam, apat na ang anak ni Nads na nasa kolehiyo ngayon. May dentistry, tourism, broadcast journalism at political science. At si Ynna Asistio ay plain student ngayon sa CEU at balitang hiwalay na kay Mark Herras.

Kinumpirma naman ni Nadia na totoo ang balitang hiwalayan na tumagal nang five years at four months.

“Kay Direk Bobot Mortiz ko pa nga nalaman. At sabi naman ng anak ko eh, kaya naman daw niya. Noong isang break-up talaga nila, nakita ko na hindi kaya ni Ynna. Iyak talaga siya ng iyak. Pero ngayon, kita ko na kaya naman na niya,” sabi pa ni Nads.

Nagkausap na rin sila ni Mark sa celphone. “Okey naman si Mark. Maayos naman ang hiwalayan nilang dalawa. Nagbilin pa nga siya na huwag kong payagan na palakarin si Ynna sa Recto. Kasi nga, naka-dorm si Ynna at mga kapatid niya malapit sa CEU.

“Kesa nga naman daw na isa pa siya (Mark) sa poproblemahin ni Ynna. Basta ramdam ko na okey naman na sila,” sey pa ni Nadia.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.