Nadaganan ng Truck ng Basura; 3 Patay, 6 Sugatan

 

TATLO ANG patay at anim ang sugatan matapos madaganan ng truck ng basura sa city dumpsite sa Carmen, Davao City.

Ayon sa mga nakakita, nangyari ang insidente bandang ala-1:30 ng hapon kamakailan kung saan nawalan ng preno ang garbage truck habang pababa patungo sa dumpsite.

Matarik ang daan sa dumpsite kaya’t malakas ang naging pagbagsak ng truck na tumama sa grupo ng mga naghuhukay ng basura.

Agad umanong tumakas ang driver ng truck na kinilalang si Delmar Eleazar, 23 anyos, ngunit sumuko rin sa mga pulis kalaunan.

Samantala, nadala naman agad sa pagamutan ang mga sugatan.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Davao na tutulungan ang pamilya ng mga nasawi, gayundin ang mga sugatang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.