‘Nabuntis’ ni Mark Herras, ‘di raw nanghihingi ng sustento at awa! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! Ilang taon ding nanahimik sa pagkanta rito sa bansa ang magaling na singer, pero sa abroad ay humataw naman ito sa kanyang mga concert at naikot na nga niya ang buong Amerika, pati ang Europe, makakuha lang mga istratehiya kung paano makatutulong sa ating mga kababayan.

Gayunpaman, hindi rin naman tinalikuran ng magaling na singer ang kanyang hilig sa pagkanta, kahit super-busy ito ngayon. In fact, napakinggan ko ang kanilang duet ng ina ng Pambansang Kamao na si Mommy D.

Ay, naku! Maloloka kayo mga kafatid! Sino ba naman ang mag-aakala na magaling palang bumirit ang ina ng Pambansang Kamao. Sa taas ng boses nito, aakalain n’yong professional singer ang lola n’yo. Hahaha!

Dahil malapit lang sa General Santos ang Maguindanao, kung saan maraming kapatid sa hanapbuhay ang natsugi, isa lang ang mensahe ni Imelda: panahon na para magkaisa! Plataporma ba ito? Hahaha!

Marami pang aabangan ang lahat kay Imelda, dahil tuloy na tuloy na ang kanyang concert dito sa bansa na gaganapin sa PICC, kasama ang magaling na international singer na si Melissa Manchester, na kumanta ng original na Don’t Cry Out Loud. At I’m sure, aabangan ng lahat ang special guest din ni Imelda na si Mommy D, na birit na birit din, at siyempre hidni rin mawawala ang kanilang duet. Dahil malapit na nga ito, sa December 19 na, I’m sure marami ang manonood. ‘Yun na!

DAHIL SA TINULDUKAN na noong Linggo ang isyu sa babaeng naanakan diumano ni Mark Herras, punumpuno ng mga mensahe ang email ng DZRH. May mga grupo pa na handang tugunan ang problema nitong si Crissa, ang miyembro ng grupong Nitro Girls na tinanggal nga sa grupo dahil sa pagbubuntis umano nito.

Tinawagan ko ang manager ng Nitro Girls, at ganu’n din daw sa kanya, marami ang tumatawag at nagbibigay ng suporta sa dati nitong alaga. Pero ngayon ay ayaw na niyang ipagambala pa kahit kanino ang pananahimik ng kanyang alaga. Tama na raw umano, dahil ayaw ng alaga niya ng gulo.

Okay! Pero may pahabol ang manager ni Crissa na si Luvie Gamao. Hindi kailangan ni Crissa ng sustento at awa mula kay Mark. Kayang panindigan daw ni Crissa ang sitwasyon nito, dahil mayaman daw ito. In fact, nagpaplano raw si Crissa at ang pamilya nito na dalhin siya sa Australia upang doon ipagpatuloy ang pagbubuntis.

Kelerke, ha?! Naku, good luck na lang sa ‘yo, ‘day! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “‘Nabuntis’ ni Mark Herras, ‘di raw nanghihingi ng sustento at awa! – Tita Swarding

Leave a Reply

Your email address will not be published.