Nabuntis ng ama, 14-Anyos na Dalagita, Nagpakamatay

 

NAGPATIWAKAL ANG ISANG 14-anyos matapos itong mabuntis dahil sa panggagahasa umano ng sariling ama sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.

Nakita ng kanyang ina na si Dominga Perez ang naka-bigting katawan ng dalagita na itinago sa pangalang Karen sa kanilang tahanan sa Barangay Cutcut sa naturang lungsod.

Kinumpirma ng stepbrother ng dalagita na si Nelson Roque Gamiba na nagsumbong sa kanya ang kapatid na ginahasa siya ng ama bago ito nagpakamatay.

Aminado rin ang ginang na nagsumbong sa kanya ang anak subalit hindi niya ito pinansin. Bagama’t itinanggi ng ama ni karen na si Romero Perez ang alegasyon, sinampahan ito ng kasong three counts of rape.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.