Nabuko sa Text: Kalaguyo ni Misis,Inutas ni Mister

PATAY ANG isang lalaki matapos na barilin ng mister ng babaeng nakarelasyon nito sa Brgy. Cabugao Nuevo, San Enrique, Iloilo.

Nakilala ang nasabing biktima na si John Cahinding, habang ang salarin naman ay si Jun Sumbilla.

Mismo ang mister ang nakatuklas sa relasyon ng kanyang misis kay Cahinding matapos na mabasa nito ang text messages ng biktima sa cellphone ng kanyang asawa.

Nagkunwari pa ang salarin na siya ang misis at saka nag-reply sa mga text ng biktima hanggang sa madiskubre nito na may namagitan sa dalawa.

Nang makasalubong na ng mister ang lalaki, kinumpronta niya ito at nang makumpirma ang relasyon sa kanyang asawa ay bigla niya itong binaril gamit ang 12-gauge shotgun.

Samantala, ang nasabing suspek ay naka-takdang sampahan ng kasong Murder ng mga kinauukulan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.