Nabuko ang relasyon kay Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo, sinabon at pinagmumura ng ina?

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoNAAAWA KAMI kay Sarah Geronimo. Parang wala na sa lugar kahit sabihin pa na ang ina niyang si Mommy Divine ang kumarga sa kanya ng halos siyam na buwan at lumuwa mula sa kanyang sinapupunan na ang isang paa ng isang ina tuwing nanganganak ay nasa hukay na maaaring ikamatay niya.

Pero tama ba o kinu-konsinti na lang ng Pop Princess ang ina?

Balita nga namin, the previous night, nagtalo diumano sina Sarah at ang ina niya dahil kay Matteo Guidicelli na ayon sa kuwento sa amin, nabuko ng ina na ang pang-showbiz na pa-tweetums ng kanyang dalaga at si Matteo ay totohanan at hindi lang pala pang-showbiz.

Nang mabuko diumao ni Mommy Divine ang anak, pinagalitan niya ang kanyang dalaga na dahil bilang isang masunuring anak sa kanyang ina (kahit todo-trabaho siya para sa mga magulang at sa kanyang pamilya), walang katiting na salitang narinig mula sa dalaga.

Sabi nga, hindi na bago na talakan ni Mommy Divine si Sarah. Nasanay na rin ang dalaga at nagtetengang-kawali dahil alam niya, ang puso niya, hindi natuturuan sa kabila ng kagandahan na isinusukli niya sa mga magulang at pagmamahal at pag-aaruga sa kanila at sa kanyang pamilya.

Kimkim ang sama ng loob at hindi na nakayanan ang pinagsasabi ng ina, sa sobrang inis diumano n Sarah, nagmuryot, nairita at ang pinagdiskitahan ay ang kanyang magandang buhok. Sa sama ng loob, hindi man niya mamura o masagot ang ina bigla-biglang pinagupitan ng dalaga ang buhok bilang protesta sa kaganapan.

Kaso may sabit. Si Sarah, naka-kontrata sa isang shampoo company at kasama sa kanyang kontrata ay bawal itong pagupitan nang maikli which is common sa mga shampoo commercial models.

Nang umuwi na ang dalaga sa haybols niya, nagalit na naman diumano si Mommy Divine. Pinagtatalakan ang anak kasama ang malulutong na mura na kami rin mismo, hindi makapaniwala na ganu’n ang ina.

Para walang sabit at hindi mademanda, ang sabi may suot na hair extension ang dalaga para manumbalik ang magandang itsura ng buhok nito.

Is it true na during the first shooting day ng movie nila ni Coco para sa Star Cinema, dumating sa set ang dalaga na sakay lang ng taxi?

Ang kuwento, hours before the shooting schedule, nag-away muli ang mag-ina na ang depensa ni Mommy Divine, pinu-protektahan lang niya ang anak na huwag masyadong nahuhulog na ang loob kay Matteo lalo pa’t may pelikula sila ni Coco (utak kapitalista ba si Mommy D.?) na siyempre, as part of the promo lovey-dovey ang dalaga siyempre sa kanyang kapareha.

Nang may TV crew na sumaksi sa first shooting day nina Sarah at Coco under the direction of Jerry Sineneng, pinauna na diumano ng dalaga sa mag-i-interview na no questions about Matteo at sa mga naganap na mga eksena prior to the first shooting day ng pelikula nila.

May pahabol sa kuwentong ito. Pati raw ang ama ng dalaga nagagalit na rin sa pinanggagawa ng dalaga.

 

OVER FATIGUE marahil kung bakit masama ang pakiramdam ng kaibigang Sylvia Sanchez early this week.

Kahit sabihin na may cut-off until midnight lang ang taping nila ng Be Careful with My Heart (sa Pila, Laguna ang location nila), kinabukasan naman kahit kulang pa sa tulog ay ratsada naman siya for the last two weeks para sa workshop nila for her movie with John Lloyd Cruz na ididirek ni Chito Roño.

Kaya nga ngarag palagi si Ibyang (tawag namin sa kanya) lalo pa’t all out ang effort niya sa movie project niyang ito where she plays sa role of a lesbian na ina ni JLC. At para mas maging makatotohanan ang pagiging lesbyana ni Ibyang, nagpaikli siya ng buhay to look like a typical “butch” na T-Bird.

“Ito so far ang pinaka-challenging na role ko in my entire career,” naikuwento niya sa amin.

Ang new hairstyle niya na ang tawag ko ay “Byanang Cut” as in lesbian haircut ay bubulaga sa BCWMY anytime next week.

Sa ngayon, kung may time after her tapings at workshops, nag-e-exposure trip si Sylvia sa iba’t ibang mga joints para obserbahan ang gawi ng mga kapatid natin na mga “byanang”.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

22 thoughts on “Nabuko ang relasyon kay Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo, sinabon at pinagmumura ng ina?

  1. Hay naku, si Money Divine talaga. Ayaw maubusan ng pera ng anak. Matatanda na, ginagatasan pa ang anak. Mag banat naman kayo ng mga buto niyo. Hindi puro anak niyo inaasahan niyo. Binigyan na nga kayo ng mga negosyo eh. Ang kakapal ng mga mukha ng mga magulang ni Sarah!

  2. huh? ano ba yan. demolition against kay divine. sarah and matteo are so on. divine approves of him. divine and sarah’s family has certain conditions – yes – but this is because of the mess that was ASHRALDna napahiya talaga si sarah. this time divine – and matteo and sarah agree, na it should be kept private. huwag kayong magmarunong dahil hindi ninyo alam ang totoo. divine understands that sarah is getting older. matteo is the one. please lang. and yes, i am from their inner circle.

  3. Every human being, adult or child, deserves respect. Sarah is a human being. She should be treated with dignity even by her parents. She is an adult. She can fully decide for her own life. Mistakes happen. Nobody is perfect. If Sarah falls, I believe she can rise and responsibly take the consequence.
    Life is short. Falling in love is beautiful. Why keep her when Matteo is single and adores her.
    Let them be.
    Everyone should respect Sarah’s feelings. That includes her parents who enjoy what she earns. Making her ride the taxi? That’s a huge insult to a kind and generous breadwinner. It’s shameful, much more cruel, on the part of the mother who has no lien whatsoever on an adult child’s earnings.
    When our children become adults, we can only advise them, counsel them, not berate or spite them if they do not take heed. We respect them.
    Sarah, fall in love and be happy. Build a house for yourself….. It’s about time….

  4. eh paanong hindi pagbawalan ng nanay nya e lahat ng nanliligaw sa kanya na taga showbiz kung magpalit ng mga girlfriends e parang nagreregodon lang…

  5. May dpirensya ata sa …..ang mommy ni sarah,di na kasi yan normal ginagawa niya eh nasa tamang edad na si sarah.Kawawa naman :-(

  6. iniwan na naman ng lalake si Flop princess. alang kadala-dala. magtrabaho na lang kasi at wag puro panlalalaki ginagawa. di ba Claudinespook?

  7. It’s about time you listen to your heart – if your Mom can not take it then drag her out the door and let us see how she can pay her own meal ( leech ).

  8. Pingback: Dallas Clarke's Australian Jewish News » Sarah Geronimo rides a taxi because of Mommy Divine and Matteo Guidicelli

  9. Sarah, Huwag lumaban sa magulang, basta kung ano ang gusto nang puso at kaisipan mo iyon ang sundin mo.
    Siguro naman sa edad mong iyan. ay mai-intindihan ka na nang iyong mga magulang…huwag mo lang kalimutan respeto sa sarili..huwag ka lang gagaya sa mga ibang artista diyan… Nikki At Toni tularan mo sila , Iyon lang . Sana maging total happy ka na, at makatagpo nang isang lalaking magmamahal sa iyo nang totoo…at maka-paghintay.. until you are really ready for a serious relationship….

    • Hala! Ano daw? Gayahin sila toni at niki? Ok 24hrs ka ba nila kasama para sabihin mong wala tlaga ngyari sa mga dalagang yan? Bka penetration ang sinasabi mo kc wala akong kakilala na di nalilibugan sa jowa or bf nila. In the first place we r talking abt physical attraction here. Unless physically incapable yang mga taong yan maniniwala ako sa virgin virgin na yan.

  10. eh kung ma buntis si sarah—ano ngayon ang say ninyo—malakas ang temptation kaya tama ang mga magulang—as if you people can help sarah if something goes wrong—bunch of fs!!!!

    • sus, eh ang tanda na ni sarah noh? kaya tuloy hanggang ngayon may pagka childish pa siya… baka magaya siya sa kakilala ko na ganiyan din ang magulang, tapos nung tumanda na yung anak itinataboy na mag-asawa, kung kelang nalipasan na ng panahon oh nung talakan sila ng anak hindi sila nakaporma

      • Eh kung mabuntis man sha ok lang ang yaman yaman nya kaya. Kelan nya ba type magka anak 40 yrs old? Naisip mo rin bang mahirap maganak pag matanda ka na kung me mangyaring masama kay sarah dahil matanda na sha nagbuntis matutulungan mo ba sha bunch of fs???? Nganga ka cguro kasi di mo naisip un. Unless gusto mo lng si sarah ganyan n lng 4ever as if di sha tatanda huh!

  11. Bumukod ka na sa kanila Sarah bago manervous breakdown habang may panahon ka pa. Take control of your life bago ka pa mauwi sa menta hospital

  12. kung ako si Sarah iiwanan ko ang mga magulang niya. Bayd na siya sa pgiging masunurin at palamunin niyang mga magulang. Hindi na makadiyos ang ginagawa nila. Makapal ang mukha ng mga magulang niya. Gising Sarah. Oras na para lumaban ka sa kanila kung sakali ay maiintindihan ka ng tao

  13. Ang hirap ng lagay niya dahil ginagawa siyang palabigasan ng magulang, kaya bawal ang makipag relasyon. Baka nga naman mawala pa ang ATM nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.