Nabuking sa Paggamit sa Bagets Bading na Brgy. Official, inireklamo sa tulo

NASA HOTWATER ngayon ang isang barangay official na miyembro ng third sex dahil desidido ang isang ina na kasuhan at ipakulong ito bunsod ng umano’y pakiki-pagtalik sa kanyang 16-anyos na anak na nahawaan pa ng sakit.

Ayon kay Marilou Salvador, bagama’t bumubuti na ang lagay ng kanyang anak ay nais niya pa ring managot ang suspek na si Jimwel Legazpi, isang barangay administrative assistant sa Barangay Cadlan sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Aniya, pauwi na sana ang kanyang anak nang makasalubong nito ang suspek at inalok na makipagtalik kapalit ng P50.00.

Dahil sa impluwensya ng alak ay hindi naman umano tumanggi ang bagets.

Ilang araw na umano ang nakalilipas bago nalaman ng ina ang nangyari sa anak dahil nagsimula na itong mahirapang umihi at sumasakit na rin ang ari. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9358 stories on this site.

Comments are closed.