Nabuking daw na may ibang babae Christopher de Leon, hiniwalayan na ni Sandy Andolong?!

NAKALULUNGKOT ANG PALIHIM na pinag-uusapang balita nga-yon tungkol kay Christopher de Leon. Dinaan lang muna sa blind item ang kuwento na diumano’y mayroon daw problema ngayon sa pagsasama nila ng kanyang wife na si Sandy Andolong. Ayon sa usap-usapan, nabu-king daw kasi ni Sandy na mayroong ibang babae ang kanyang mister, at hindi iyon matanggap ng aktres kaya ang kabuntot na kuwento ay hiwalay na diumano sila.

Nakakawindang ito, dahil ang mga nagkukuwentuhan kasi sa umpukan ng press ay mga betera-nang manunulat, na mga malalapit na kaibigan ni Boyet. Wala silang kinukumpirma tungkol sa hiwalayan nina Sandy at ng mahusay na aktor, pero aminado sila na ang bida sa blind item ay ang daddy ni Ian de Leon. Mapakisama raw na tao ang ex-husband ni Nora Aunor, kaya hindi pa sila nag-uurirat tungkol sa hiwalayan bilang pagrespeto nila sa kabaitan ng aktor-pulitiko.

Ang nakapanghihinayang lang daw kung totoong hiwalay na sina Boyet at Sandy ay ang mahabang taon na rin ang kanilang pagmamahalan. Hindi rin biro ‘yung matagal na paghihintay nila na panindigan ang kanilang pagmamahalan, dahil nga nanggaling muna si Boyet sa kanilang pakikipaghiwalay mula sa kasal niya kay Nora Aunor. Umaasa ang mga beteranang manunulat na mga kaibigan ng aktor, na konting problema lang sana sa relasyon ang nangyayari at magiging maaayos pa rin ang lahat.

MAHIRAP KUWESTIYONIN NGAYON ang kasikatan ni Anne Curtis, dahil marami siyang napapatunayan. Una sa lahat, ang dating kapintasan niya noon na baluktot ang kanyang dila sa pagsasalita ng Tagalog ay pinagsikapan niyang magkaroon ng improvement dahil seryoso talaga siya na gusto niyang makilala bilang aktres. Pinagtatawanan siya noon ng mga kakontra niya, pero hindi siya huminto, hanggang sa maging Best Actress na siya.

Tsikadora naman si Anne, kaya inaamin niyang mayroon din siyang mga pinagdaanang kabiguan sa buhay, ganu’n na rin sa lovelife, kaya ang good karma ay maraming magagandang nangyayari ngayon sa kanyang career. Ipinagpapasalamat daw ni Anne, na dumating sa kanya na maging parte ng programang Showtime ng ABS-CBN dahil napalapit siyang lalo sa masa, at ang kaabalahan niya sa nasabing show ang isa sa naging epektibong dahilan kaya unti-unti niyang nalimutan na sobra pala siyang nasaktan sa hiwalayan nila noon ni Sam Milby.

Nilalait noon si Anne dahil ang hilig-hilig niyang kumanta kahit sumasablay naman ang boses niya. Pero gusto raw niya talagang kumanta, kaya naglambing siya kay Boss Vic del Rosario na bigyan naman siya ng album, at natupad naman iyon. Huwag naman daw ikumpara  ang  boses ni Anne sa galing nina Sarah Geronimo, Zsa-Zsa Padilla at Kuh Ledesma.  Basta ang alam daw niya ay nadaan sa lakas ng loob ang istilo niya, pero marami na raw natutuwang madinig ang boses niya habang kumakanta.

ChorBA!
by Melchor Bautista

14 thoughts on “Nabuking daw na may ibang babae Christopher de Leon, hiniwalayan na ni Sandy Andolong?!

  1. inagaw ni sandy andolong si boyet kay nora. kaya sandy karma mo yan. nagbabayad ka lang sa pagwasak mo ng pamilya ni guy and boyet..

  2. @lilia, just out of curiousity, bakit anong atraso ang ginawa ni Sandy Andolong, Hindi na ako aware sa nangyayari, tagal ko nang nawala sa Pinas kasi. thanks.

  3. ganyan naman talaga mga celebrity, di na bago sa mga iyan ang ganyang issue,,, tsikkk tsikkkk sakit ng tenga ko sa hiwalayan…

  4. @gandara park, kahit naman sinong lalaki ay di gugustuhin na ang personal niyang buhay ay makalkal sa publiko sa totoo o hindi ang mga tsismis. Ang babaw mo naman para isipin na nagiingay sya para mapagusapn ang Sa Ngalan Ng Ina….COMMON SENSE LANG…

  5. Nag-iingay lang yan para mapag-usapan ang flop seryeng Sa Ngalan ng Ina..Ang tatanda na nila para gumawa pa ng kacheapan na ito!

  6. PARA SA AKIN,NGAYON PA BA KAYO MAGHIHIWALAY KUNG KAILAN NA KAYO NAGTANDAAN,SANA ILAGAY NYO NA LANG SA ISISP NYO NA ANG PAGSASAMA NG ISANG MAG-ASAWA AY HINDI HINIHINTUAN NG PAGSUBOK AT IPAGLABAN NYO YAN HANGGANG SA INYONG PAGTANDA PA,ALANG-ALANG SA MGA MALALAKI NA NINYONG ANAK AT SA MGA NAGMAMAHAL NINYONG TAGAHANGA

  7. Out of topic ito, pero ang laki ng resemblance ni Sandy Andolong at Roxanne Guinoo. They can be perfect as a mother-daughter team in a movie or teleserye.

  8. Pingback: Filipino Actor Christopher de Leon Unfaithful to Wife Sandy Andolong

  9. Pingback: Nabuking daw na may ibang babae Christopher de Leon, hiniwalayan na ni Sandy Andolong?! - ShowbizNews.ph