Nabigo ang mga Magulang: Dalagang Estudyante, Nagpakamatay

PATAY ANG isang dalaga matapos magbigti sa Butuan City, dalawang linggo lang matapos ang pagpapatiwakal din ng isang  17-anyos na katulong na si Marestella Besmanos, ng Brgy. Tungao sa lungsod.

Nakilala ang nasabing biktima na si Emilda Epilan, 18, residente ng Brgy. Maguinda at first year student sa kursong Bachelor of Science in Mathematics sa Caraga State University na nakabase sa Brgy. Ampayon, Butuan City.

Base sa pagsisiyasat ng Butuan City Police Station 4 sa pangunguna ni PO3 Jenius Sab-a, nalamang nananghalian pa ang biktima kahapon at bumalik sa silid ng kanyang nirerentahang boarding house pasado alas-2:30 ng hapon at hindi na lumabas pa.

Pagsapit ng gabi ay sapilitang sinira ang pintuan ng kuwarto nito at dito na nakita ang biktimang nakabigti na sa bintana gamit ang kumot na itinali sa kanyang leeg.

Natagpuan ang suicide note ng biktima na humihingi ng paumanhin sa kanyang ina dahil hindi umano nito makakaya ang ini-expect sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang pamilya Epilan sa ginawa ng biktima dahil wala silang nakitang rason upang ito’y magbigti lalo na’t wala itong isinumbong sa kanilang problema.

Sinabi ng ina ng biktima na si Emilia, binayaran na nila ang tatlong buwang tuition ng anak upang hindi magkaproblema sa kanyang pag-aaral at hindi rin sila nagkulang sa pagbigay ng allowance.

Samantala, nilinaw ni Emilia na hindi niya kailan man pinilit ang anak kung anong diskarte ang ga-gamitin sa pag-aaral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.