Nabawasang trust rating ni P-NOY, wake-up call

ITINUTURING NG ILANG opisyal na wake up call para kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang bumagsak na trust rating.

Ayon sa ilang political analyst, hindi dapat ipagkibit-balikat ang 5% cut sa trust rating ng Pangulo dahil isa lamang itong “tapik” at paalala na pagbutihin mo pa.

Sa survey ng Pulse Asia noong February 24 hanggang March 6, 2011 sa 1,200 respondents sa buong bansa ay bumagsak sa 74% ang bilib sa performance ng pangulo habang ang dating 80% trust rating noong October 2010 ay naging 75% na lamang.

Hindi naman binigyan-pansin ng Pangulo ang katanungan ng media kung ano ang komento sa pagbulusok ng kanyang trust rating at sinabing marami siyang dapat pagtuunan ng pansin gaya ng mga problema ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa Libya.

Sinabi naman ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, magiging paalala ito sa kanila na gawin ang inaasahan ng publiko.

Ayon kay Carandang, batay naman sa kasaysayan, ang pagbagsak sa rating ng nakaupong lider ay inaasahan at ang figure ng Pangulong Aquino ay maituturing pa ring “modest decline”.

Kung tutuusin, nananatili umanong mataas pa rin ang rating ng Pangulong Aquino.

“But it is a reminder to us to keep on delivering what the people expect of us,” ani Carandang.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.