Nabangkaroteng ama, naburyong Family Massacre: 5 patay, 1 grabe

APAT NA miyembro ng pamilya ang binaril at pinaslang ng padre de pamil-ya saka ito nagpakamatay, habang agaw-buhay rin ang 7-taong gulang na anak nito sa Vigan City, Ilocos Sur kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang family massacre bandang ala-1 ng madaling-araw sa loob mismo ng tahanan ng mga biktima at suspek sa Barangay Amianence ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report ng Vigan City Police Station, pinatay ng suspek na kinilalang si Edwin Expinueva, 37 taong gulang, residente ng nasabing lugar ang apat na miyembro ng kanyang pamil-ya bago nag-suicide.

Kinilala ang iba pang napatay na sina Frances Roella Mendoza Expinueva, 34, asawa ng suspek; Carla, 16, anak ng suspek; Estrella Mendoza, 56, biyenan; Jeffrey Mendoza, 30, bayaw.

Nanatiling nasa kritikal na kalagayan pa rin ang pitong taong gulang na anak ng suspek na si Samantha, dahil sa bumaong tama ng punglo sa ulo at dibdib.

Napag-alaman pa na hinihinalang suliranin sa kabuhayan o problemang pampamilya ang ugat ng karumal-dumal na krimen na patuloy pa ring iniim-bestigahan ng PNP-Vigan.

Samantala, nagsalita na ang biyenang lalaki ng suspek sa nangyaring masaker at iginiit na hindi niya ibuburol ang labi ng kanyang manugang sa tabi ng kanyang pinatay na sariling pamilya.

Ayon kay Jerry Mendoza, ipaaalam niya sa mga kaanak ng kanyang manugang upang iuwi nila ang kanyang bangkay sa Baguio City.

Nabatid na isang negosyante sa Baguio City si Edwin.

Ibinunyag ni Mendoza na problema sa pamilya ang ugat ng masaker bagama’t tumangging magbigay ng karagdagang detalye.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.