Naaktuhang nakikipagtalik Bebot, Bugbog-Sarado sa Ka-Live-In ng Kalaguyo

NAGTAMO NG minor injuries ang isang babae matapos siyang atakehin ni alyas Inday nang maa-butan silang nagtatalik ng live-in partner nito sa General Santos City.

Desidido si Inday na hiwalayan ang kanyang live-in partner na si alyas Toto makaraang mahuli sa akto na nakikipag-love making sa ibang babae sa isang boarding house sa Purok Matinabangon, Barangay Labangal sa nasabing lungsod.

Nagpaalam umano si Toto na mamasyal sa kanyang mga pinsan ngunit sinundan ito ni Inday nang hindi umuwi sa kanilang bahay.

Dahil umano sa sobrang galit ay sinabunutan at hinila ni Inday ang buhok ng naturang babae.

Inamin naman ni Inday na halos madurog ang kanyang puso matapos kampihan ng kanyang live-in partner ang babae at binugbog pa siya nito.

Plano naman ng babae na magsampa ng kaukulang kaso.

Samantala, pinanindigan ni Inday na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa at sinabing mas nakakalamang siya at ‘di hamak na mas maganda kung ikumpara sa naturang babae. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.