Naaktuhang Nakapatong sa Kalaguyo: Misis, Sugatan sa Saksak ng Mister

HINDI NAKAIWAS ang isang misis sa saksak ng kanyang mister matapos maaktuhan na nakapatong sa ibang lalaki sa Davao City.

Nagtamo ng sugat sa likod at sa paa ang nasabing ginang. Nakilala naman ang salarin sa alyas Yoyoy, isang pintor at residente sa Daliao Toril, sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Police Chief Insp. Anghel Sumagaysay, hepe ng Toril Police Station, gulat na gulat pa rin umano si Yoyoy dahil sa nasaksihan nito na pagtataksil ng asawa.

Base sa impormasyon ng mga kinauukulan, naaktuhan mismo ng suspek ang misis na “naglalaro ng apoy” sa mismong tahanan nito kasama ang kapit-bahay na si alyas Tata, na itinuturing pang malapit na kaibigan ng salarin. Dahil sa nakita, hindi napigilan ng mister na saksakin ang asawa.

Nabatid na 11 taon na rin silang nagsasama bilang mag-asawa. Hinihintay na lamang ngayon ng salarin ang pormal na pagsasampa ng kaso ng misis.

Positibo naman ang salarin na hindi na magsasampa ng kaso ang asawa dahil sa kahihiyan na dulot ng insidente.

Samatala, nakatakas naman si “Tata” kasama ang asawa ng pintor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.