Naaksidente sa kanyang Dodge Challenger
Aljur Abrenica, pinagalitan at tinalakan ni Kylie Padilla

MATAPOS MALAMAN ni Kylie Padilla na naaksidente si Aljur Abrenica sa minamanehong bagong kotse, nagalit at tinalakan nito ang boyfriend.

Ang bagong kotse ni Aljur na Dodge Challenger ay nabangga sa Quezon City kamakailan. Ito ang kotse na naka-display sa premiere night ng Fast & Furious 6 na siya ring ginamit pa ni Vin Diesel sa naturang event.

Ayon kay Kylie, totoong nagalit siya kay Aljur nang malamang nabangga ang minanamehong kotse ng actor. Hindi raw ito ipinaalam ng actor dahil alam daw nito na magagalit siya. Kaya nang ipaalam sa kanya ang nangyari, nagalit siya at natalakan niya si Aljur dahil sa sobrang pag-aalala sa boyfriend.

Paliwanag pa ni Kylie, bunsod daw kasi ng sobrang pag-aalala niya sa kalagayan at kaligtasan ni Aljur kaya niya napagalitan ang boyfriend.

Sabi pa ng dalaga ni Robin Padilla, maraming nagmamahal kay Aljur kaya dapat daw na mag-ingat ito sa ginagawa lalo pagdating sa pagmamaneho.

Isa pa ikinagalit ni Kylie kay Aljur ay kilala raw niya ito na mabilis magmaneho at ito ay naranasan na niya kung gaano kayabang magmaneho ni Aljur. Mistulang para raw siyang nasa “roller coster” nang sumakay siya sa kotse ng actor habang ito ay nagmamaneho.

Nagpapasalamat na lang si Kylie at walang masamang nangyari sa actor/boyfriend. Wala itong natamong injury malayo sa nangyaring damage ng sasakyan.

Ang problema daw ngayon ni Aljur ay pagpapagawa ng nabanggang kotse dahil malaki-laki rin ang na-damage sa sasakyan.

 

KONTROBERSYAL PA rin ang pakikkipaghiwalay ni Ai-Ai delas Alas sa asawang si Jed Salang, lalo nang ipagtapat nito sa The Buzz last Sunday ang mga pinagdaanang sakit sa katawan at puso.

Ngayon lang untu-unting naglabasan ang mga kuwento ng mga hindi magagandang natuklasan ni Ai-Ai sa asawa.

Isa na rito ang kuwento na nang bumili si Ai-Ai ng Porsche car ay nangumisyon pa raw si Jed, amounting to P150,000 na ikinagulat daw ng commediene/actress.

Isa pang kuwento ay ang pagsasabay raw diumano ni Jed sa relasyon kay Ai Ai at sa ex-girlfriend nito. At ang babae raw mismo ang nag-text kay Ai-Ai at inaming tuwing lunch break ay pinupuntahan siya ni Jed at madalas doon pa natutulog.

Buwan-buwan ay tumatanggap din daw ng monthly allowance si Jed mula kay Ai-Ai na malaki-laki rin daw ang halaga.

Sabi ng mga kaibigan ni Ai-Ai, mabuti na lang daw at sinunod nito ang payo ni Kris Aquino na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement ni Jed. At mabuti na rin daw nabawi ni Ai Ai ang mamahaling kotse na iniregalo niya sa asawa.

Dahil sa nangyari kay Ai-Ai, bumuhos ang simpantiya at pagkaawa sa comedienn, lalo nang matapang na ikuwento nito ang ginagawa sa kanya ni Jed habang sila ay nagsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa.

 

HINDI NA nga pinakawalan ng Star Cinema ang pinakasikat na bagets na si Daniel Padilla. Matapos ang successful team-up nila ni Kathryn Bernardo na Must Be… Love, pinapirma na ito ng exclusive contract ng nasabing production outfit.

Matapos ang successful concert ni Daniel ay inaayos na raw ngayon ang seryeng pagsasamahan nila ni Kathryn sa ABS-CBN.

Ikinakasa na rin ang follow-up movie nila ni Kathryn at kung hindi magkakaroon ng aberya ay baka next month na raw magsimula ng shooting.

Kaya naman sobrang saya at nagpapasalamat si Daniel sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanilang team-up ng Star Cinema.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Naaksidente sa kanyang Dodge Challenger
Aljur Abrenica, pinagalitan at tinalakan ni Kylie Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.