Naagaw raw kasi si Ronald Singson: Maui Taylor, sinisiraan si Lovi Poe?! – Lolit Solis

NALOKA SI LOVI Poe nang kinumpronta ko tungkol sa isyu nila ni Jolo Revilla dahil naloka rin naman kasi ako nang nalaman ko kung gaano kabongga ang mga ibinigay sa kanya ni Jolo.

Hindi naman niya nasagot sa akin nang maayos kung totoo ba o hindi ‘yung mga naglabasang kuwentong pinag-shopping ito ni Jolo na umabot sa mahigit 250 thousand pesos, binigyan daw ito ng kotse na ginagamit din niya nang matagal-tagal at pati raw ang condo unit ay binabayaran ni Jolo.

Sobra namang ganda niya kaya nu’ng nakita ko siya sa taping ng Show Me Da Manny, tinanong ko talaga.

Ang sabi lang niya sa akin, mas mabuting si Jolo na lang daw ang tanungin ko dahil ito naman daw ang nagkakalat ng mga ganu’ng kuwento.

In fairness naman kay Jolo, hindi nga kami ang nag-uusap. Naririnig ko lang iyan sa ibang tao at isinulat nga ito ni Dolly Ann Carvajal.

Nang lumabas ang isyung ‘yun, kaagad na ibinalik daw kay Jolo ang kotse. Gusto ko ngang harbatin pero pinabebenta na lang yata ni Jolo.

Ayaw na ngang magkomento ni Jolo dahil ramdam ko lang, hanggang ngayon ay mahal pa rin nito si Lovi at nasasaktan daw ito sa mga naglalabasang isyu na nakasisira sa young actress at pati na rin sa kanya.

Nalaman ko na lang bandang huli na ang nagkukuwento pala nito sa mga kaibigan ay si Maui Taylor.

Ang dinig ko si Maui raw ang nagkuwento nito kay Dolly Ann na isinulat naman agad ng huli.

Ano naman ang kinalaman ni Maui sa isyung iyan nina Lovi at Jolo? Narinig ko na lang na na-link din pala itong Maui kay Ronald Singson na nali-link naman ngayon kay Lovi.

Napanood ko nga sa Tweetbiz sa QTV 11 na sinabi ni Mr. Fu na galit daw itong si Maui kay Lovi dahil siguro sa halip sa kanya mapupunta ang atensiyon ni Ronald, kay Lovi na ngayon.

Pero ang kuwento naman ng ilang nakaaalam, wala raw talagang namamagitan kina Ronald at Lovi. Naging close lang daw sila pati mga ibang kaibigan nila.

Kaya lang, ano naman ‘yung kuwento ng ilang reporters na nakita raw nila sina Lovi at Ronald na sobrang PDA sa Boracay nu’ng nakaraang New Year?

Sobrang close nga raw ang dalawa na nakakandong pa raw si Lovi kay Ronald at naghahalikan? Totoo kaya ‘yun? Hindi naman kasi sinagot lahat iyan ni Lovi, basta friends lang daw sila ni Ronald.

Hay naku! Okay lang kaya ito sa Mommy ni Lovi? Dati sobrang higpit nito kay Jolo at kontrang-kontra siya sa relasyon ng dalawa. Tanggap kaya nito ang closeness ni Ronald sa anak niya?

Sabi uli ni Lovi, ayaw na raw niyang magsalita dahil nadadamay lang daw ang ibang tao lalo na si Ronald na hindi naman showbiz.

Pinapayuhan na lang ngayon si Jolo na huwag nang pansinin ang mga naglalabasang isyu at mag-concentrate na lang ito sa trabaho.

Ang pinagkakaabalahan na lang ngayon ni Jolo ay ang anak niyang malapit nang mag-birthday.

Pinaghahandan niya ngayon ng bonggang birthday party kasama ang Mommy nitong si Grace. Ewan ko kung inimbitahan ni Grace ang Mommy niyang si Rosanna Roces na dinig ko hindi magkasundo silang mag-ina.

Hay naku! Ang gulu-gulo na. Mabuti na lang at abala si Jolo sa Pepeng Agimat niya na na-extend kaya patuloy pa rin ang taping niya at mukhang masusundan pa dahil nataypan na siya ng ABS-CBN 2.

ABANGAN N’YO PALA sa Linggo ang Elimination Night ng Starstruck V dahil dalawa ang tatanggalin.

Kakaiba ngayon ang proseso ng tanggalan kaya exciting ito. Pero malulungkot naman kaming mga council dahil napalapit na sa amin ang mga bata.

Marami pang mga challenges na pagdaraanan ang mga natitirang survivor ng Starstruck V kaya abangan n’yo ang update niyan mula Lunes hanggang Biyernes at sa Sabado ay ang recap ng mga nangyari sa kanila na hinu-host ni Raymond Gutierrez. Sa Linggo naman, sina Dennis Trillo at Carla Abellana ang hosts.

Habang tumatagal ay nakikita mo na kung sino ang may star quality sa kanila kaya feeling ko, marami ang sisikat sa mga taga-Starstruck ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Naagaw raw kasi si Ronald Singson: Maui Taylor, sinisiraan si Lovi Poe?! – Lolit Solis

  1. just an odd thought – if the starstruck v are the ones inside PBB House – it would have been a total delight. refreshing faces, young and lotsa spunk. nywys its juz a thought. my bet of the ultimate survivor would be for female – diva / male – a toss between rocco and piero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.