Naaagnas na bangkay ng titser, umalingasaw

HALOS NAAAGNAS NA ang bangkay ng isang solterang guro makaraang matagpuan ito sa loob ng kanyang bahay dahil sa nakakasulasok na amoy nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isang malamig na bangkay na nang madiskubre at may sugat sa noo habang nakapulupot naman ang tuwalya sa leeg ang biktimang si Myrna Aricite y de Guzman, 61, teacher ng Bagong Barrio Elementary School,Caloocan City at residente ng No. 29 Gen. Malvar St., Brgy. 133 ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing sina Antonio Selesia, 57, welder at Sandy dela Rosa, 45, negosyante, kapwa kapitbahay ng biktima, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan nila ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa naturang lugar.

Isang hindi kanais-nais na amoy ang kanilang nasisinghot na dala ng hangin dahil dito kanilang inaalam kung saan nanggagaling ang mabahong amoy at nang magawi sa bahay ng biktima lalong pang lumalakas ang amoy.

At ng kanilang buksan ang bahay ni Aricite tumambad sa kanilang harapan ang naaagnas ng bangkay ng biktima, dahilan upang ipaalam sa pulisya ang nasabing insidente at nang respondehan ng Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office (SOCO-NPDO), nalamang higit sa 24-oras na ang nakalipas bago ito madiskubre dahil halos naaagnas na ang katawan nito.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung pinatay ang biktima o nasawi ito sa kasagsagan ng bagyong Pedring.

Dinala na rin ang labi ng biktima sa Saint Martin Funeral para sa awtopsiya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.