Naaagnas na bangkay ng dalaga, natagpuan sa dagat

LEGAZPI CITY – HINDI na nagawa pang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng isang dalaga na natagpuan sa karagatang sakop ng bayan ng Oas, lalawigan ng Albay.

Batay sa ulat ng Oas PNP, naaagnas na ang bangkay ng isang dalaga na tinatayang nasa edad 20-30 na nakitang palutang-lutang sa dagat ng mga opisyal ng barangay.

Dahil sa sitwasyon ng biktima at sobrang umalingasaw na ang mabahong amoy ng katawan nito, nagdesisyon na lamang ang mga kinauukulan na ipalibing ito sa Maramba Cemetery.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa posibilidad na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.