Naaagnas na Bangkay, Lumutang sa Pampang

HINIHINALANG BIKTIMA ng salvage o summary execution ang naaganas na bangkay ng isang lalaki na lumutang sa pampang kahapon ng umaga sa Navotas City.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang biktima na may tattoo sa kanang braso na Escanio Tyron habang Siopao Michael naman sa kaliwang braso.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang makita ang biktima sa tabing-dagat sa Tuazon St., San Jose ng lungsod.

Lumalabas na may tama ng bala sa ulo ang biktima na dinala na sa Marcelo Funeral Homes.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.