Na-trauma sa 1st marriage
Alice Dixson, ayaw nang magpakasal

Alice-Dixson

Alice-Dixso

HANDA PA rin daw umibig ang star ng Studio 5 Original Movies na The Lady Next Door, na mapapanood na sa Feb. 4 sa Direksiyon ni Joel Lamangan, na si Alice Dixson after ‘di magtagumpay ang kanyang married life na nauwi rin sa hiwalayan. Pero this time daw, ayaw nang patali o pakasal sa susunod na lalaking magmamahal at kanyang mamahalin.

Kuwento nga ni Ms. Alice na may trauma pa siya pagpapakasal. Kaya naman sa ngayon daw, no more wedding dahil mas gusto niyang magsama na lang sila ng kanyang magiging special guy.

Naniniwala raw ito na hindi susi ng magandang pagsasama ang kasal, dahil marami naman daw partners d’yan na tumagal na ng ilang taon at tumanda na without wedding pero napanatiling solid ang pagsasama at pagmamahalan.

At kung magmamahal siya muli, ang gusto raw nito ay edad 36 or mas matanda pa rito, ayaw raw kasi ni Ms. Alice ng masyadong bata . ‘Di raw aprubado rito ang May-December love affair katulad ng role na kanyang ginagampa-nan sa The Lady Next Door, kung saan kabituin nito si Mark Neumann. Mas gusto pa rin daw nito ang matured guy at kasing edad niya o mas matanda pa sa kanya.

 

MULING BINUHAY ng TV 5 via Studio 5 Original Movies ang paggawa ng telesine na nauso noon. Mga pelikulang isina-telebisyon na talaga namang babago sa viewing habit ng mga Pinoy.

Apat na naggagandahan at de-kaledad na telesine ang handog ng Kapatid Network na magsisimulang mapanood sa Feb. 4, ang The Lady Next Door na pagbibidahan nina Ms. Alice Dixon at Mark Neumann, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Susundan ito ng pinakaaabangan at balik-tambalan ng phenomenal loveteam na Guy and Pip, ang When I Fall In Love, na mapapanood sa Feb. 11 at pagbibidahan nina Ms. Nora Aunor at Tirso Cruz III kabituin sina Allan Paule, Nadine Samonte, Marc Abaya, Felix Roco, atbp. Mula pa rin sa direksiyon ni Joel Lamangan .

Habang sa Feb. 18 naman mapapanood ang The Replacement Bride na pagbibidahan nina Jasmine Curtis at Daniel Matsunaga with Via Antonio, Edgar Allan Guzman at Arci Muñoz, mula naman sa mahusay na direksiyon ni Mac Alejandre.

Susundan ng Bawat Sandali na pinagbibidahan nina Angel Aquino, Yul Servo at Derek Ramsey na mapapanood sa Feb. 25 at mula sa magkatuwang na direksiyon nina Joel Lamangan at Eric Quizon.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.