NA-TRAUMA NA SA LOVE? John Lloyd Cruz, takot na nga bang magmahal?

John Lloyd Cruz

Sikat. Kilala. Pinagkakaguluhan. Marami ang interesado. Madami ang nai-in love pero wala. Hindi pa.

Pero pakiwari ko’y may lungkot sa buhay ng isang John Lloyd Cruz.
 
Sa kabila ng mga makukulay at masasayang buhay na nakapa-ikot sa kanya, ang pagiging seryoso niya lately from the media launch ng “Finally Found Someone” movie nila ni Sarah Geronimo hanggang sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa nightly show nito na “Tonight With Boy Abunda” recently ay mukhang iba si Lloydie.
 
Sa kabila ng pagiging popular ng aktor, tila may kulang pa sa tipong “black and white na buhay niya na para sa iba ay mas maganda kumpara sa teknikolor na buhay na may kaguluhan, intriga at walang kasiguraduhan.
 
Pahayag ng aktor ay hindi pa raw niya nahahanap ang babaeng masasabi at maituturing niya na “the one”, lalo pa’t wala pa sa prioridad ni JLC ang lumagay sa tahimik. Malayo pa. Magbibilang ka pa.
 
Choosy ba si Papa Lloydie kahit madami ang nag-aabang?
 
May tsika nga ang aktor recently kung sino ang lucky girl na mamahalin at pakakasalan kung sakali in the near future as a tip.

    

John Lloyd Cruz

Ang criteria ng elusive bachelor ng showbiz: ”Sana pasensiyosa ka. Be patient with me. “I can’t wait to see the world through your eyes,”pasakalye niya.

“Sasabihin ko sa kanya something like that, para marinig ko yung ‘awww’ sa dulo,” pangiting pahayag niya sa panayam.
 
May mensahe si Lloydie sa kung sino man ang magiging “future wife” niya.
 
“Hindi ako magiging moody!” dagdag niya.
 
 Pero sa sitwasyon ng aktor, medyo malayo pa ang pagaasawa. Tila wala pa sa prioridad kahit  nasa marrying age na siya
 
“Mahirap sabihin. Ako, hindi ko alam. Mukha namang hindi pa. Kasi kung nahanap ko na, parang masasabi ko na yun.”
 
Hindi ko batid kung may trauma si Lloydie sa mga previous relationships niya dahil ang tagal ng waiting, ang haba ng paghihintay kung sino man ang  masuweteng babaeng papakasalan niya.
 
Habang naghihintay ang sambayanan kung kailan darating yong lucky girl at usapang masinsinan ng pagpapakasal ni Lloydie ay abangan na lang natin.
 
While waiting oi-enjoy na lang muna natin si Lloydie sa mga pa-hopia, pa-hugot at pa-in love movie nila ni Pop Princes sa darating na Wednesday, July 26 sa mga sinehan.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.