Na-stroke sa gitna ng dagat
Mangingisda, Patay sa Lunod

PATAY NA nang matagpuan habang nagpapalutang-lutang sa tubig ang bangkay ng 44-anyos na mangingisda makaraang malunod sa karagatang sakop ng Sitio Tinago, Bgy. San Rafael, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Senador Alim y Quintana, residente ng Brgy Dao, Pilar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman na bandang alas-8:00 ng gabi, noong Lunes, pumalaot ang biktima subalit hindi na ito nakabalik.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Pilar Municipal Police Station, napag-alaman na inatake ang biktima at na-stroke dahilan para hindi na nito magawang mapaandar at mamani-pula ang kanyang bangka dahilan para ito ay tumaob at tuluyan siyang malunod.

Samantala, ayon sa pamilya, ilang araw na ring nakararanas ng mild stroke ang biktima bago ito nagdesisyon na muling pumalaot at mangisda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.