NA-INTERVIEW LANG DAW

MINSA’Y NAGTUNGO AKO sa isang job fair dito sa aming lungsod. Nag-apply ako sa isang manning agency para maging seaman. Pauwi na sana ako nang sabihan ako ng tao roon na mayroon din silang land-based na ahensiya na tumatanggap ng aplikante para sa Canada. Nang tanungin ko kung lisensyado iyon, sabi nila’y hindi pa pero pinopro-seso na ng POEA. Anila’y interview lang naman ang gagawin nila para maisama ang pangalan ko sa files nila. Nag-file po ako ng application. Okey lang po ba ang ginawa ko?—Jimmy ng Mandaluyong City

KAPAG ‘DI PA lisensiyado ng POEA ang isang ahensiya, ito ay hindi pa puwedeng mag-recruit. Kapag ito’y nag-recruit, maaari siyang kasuhan ng illegal recruitment. Kahit pa tawagin nilang interview lamang ang isinasagawa nila. Ang pag-iinterview ay bahagi na ng recruitment.

WALA NANG LISENSIYA, NANININGIL PA

Dati na po akong nag-apply sa isang ahensiya na lisensiyado naman ng POEA. Kamakailan ay nagbayad ako ng documentation fee. Pero huli na nang malaman ko na natanggalan na pala sila ng lisensiya. Guilty po ba sila ng illegal recruitment?—Diana ng Los Banos, Laguna

DEPENDE. KUNG NANINGIL sila ng fee matapos na matanggalan sila ng lisensiya, illegal recruitment na ‘yun. Ganu’n pa man, kung ang siningil nila ay para sa trabaho nilang ginawa bago sila binawian ng lisensiya, hindi ito maituturing na illegal recruitment.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.