Na-indespair sa crush na DJ FM station, sinilaban ng dalagita

PINANINIWALAANG DUMANAS ng temporary insanity ang isang dalagita nang isnabin ito ng kanyang idol na disk jockey kaya naman sinunog nito ang isang FM station na Love Radio ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa Butuan City.

Kinilala ng awtoridad ang nanunog na suspek na si Rose Canquera, 20-anyos, dalaga, taga-Gingoog City at kasalukuyang nakatira sa By The River area ng lungsod.

Ayon sa pahayag ng suspek, sinabi nitong nakaranas umano siya ng panghihiya, diskriminasyon at pang-iisnab sa kanya ng isang DJ kung kaya sa galit ay binuhusan nito ng gasolina ang radio station at saka sinilaban.

Napag-alaman ng awtoridad na may problema umano sa pag-iisip ang suspek at sinasabing may blotter na ang suspek dahil naging stalker umano ng DJ ang dalaga at tinangka na rin nitong sunugin ang motorsiklo ng DJ.

Dahil sa nangyari, kasamang nadamay sa panununog ang Luciana Inn and Convention Center, Banco Filipino, Pareñas Jewelry Store, Almont Hotel.

Nananatili naman sa kustodiya ng Butuan City Police Station 1 ang suspek.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.