Na-dismiss na pulis, natagpuang bangkay sa kotse

ISANG NATANGGAL sa serbisyo na pulis ang natagpuang bangkay sa compartment ng abandonadong kotse sa Biñan City, Laguna.

Kinilala ni Supt. Leonard luna, hepe ng Biñan police, ang biktiman na si dating PO1 Artemio Abellano Jr., isang dismissed policeman.

Bukod kay Abellano, isa pang bangkay ang kasama ng dating pulis sa nasabing sasakyan.

Aminado naman ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) Laguna na hindi pa nila batid kung sino ang pumaslang sa dalawa.

Sa nakalap na ulat, huling nakita si Abellano habang nagpapagasolina noong Lunes ng gabi.

Una nang nagsumbong ang ilang kagawad ng barangay hinggil sa abandonadong kotse sa Purok 6 sa Brgy. Santo Tomas, Biñan City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.