Na-bully sa school; bagets, nagbigti

PINANINIWALAANG MATINDING depresyon dahil laging nabu-bully at pinagtatawanan sa pinapasukang eskuwelahan kaya naman nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang 3rd year high school student sa bayan ng Jaro, Leyte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Bok”, 15-anyos, estudyante ng Grangha Calinawan National High School at residente sa nasabing bayan.

Ayon kay SPO1 Abraham Royo, imbestigador ng Jaro PNP, ginamit ng biktima ang isang nylon cord na itinali sa bubong ng kanilang farm house na may taas na walong talampakan mula sa lupa.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, napag-alaman sa mga kaklase ng biktima na bihira na lamang itong pumasok sa kanilang paaralan dahil sa posibleng problema umano nito sa paaralan.

Una nito, inutusan umano ng kanyang lolo ang biktima na magpunta sa kanilang farm house upang asikasuhin ang tuba na inihahatid ng kanilang tauhan.

Lumipas ang ilang oras at hindi pa umano ito bu-mabalik kaya napagdesisyunan ng lolo at lola nito na puntahan na ito sa bukirin at laking gulat na lamang nila nang makitang isa nang malamig na bangkay ang kanilang apo na nakalambitin ang kanilang naabutan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.