MYSTICA, FAITH HEALER NA!

MAY KUMAKALAT SA internet at YouTube na mga video ni Mystica at hindi ito tungkol sa kanyang pagkanta kungdi sa kanyang panggagamot ng may mga sakit. Ito raw ay isang bagay na milagro at hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanyang buhay. Sa katunayan daw, na-diagnose na may colon cancer ang dating asawa ng singer?

“’Yung ama ng anak ko, I haven’t seen him for a long time, meron pala itong karamdaman, colon cancer daw ‘yung sakit. Nagpatingin ‘yung asawa ko sa doctor, sinabi nga sa kanya na may sakit siya. Hinawakan ko lahat ng parte ng katawan niya na masakit. Ginamit ni Lord ang kamay ko para makapagpagaling,” pahayag ni Mystica.

Nagpatingin uli ang asawa para ikunsulta ang karamdaman, nawala! Nagulat si Mystica. Dahil sa bagong nadiskubre niyang kakayahan, nais daw ni Mystica na ipagpatuloy ang panggagamot ng kapwa na may sakit. Sana raw ay huwag isipin ng mga tao na ito ay isang gimik lang.

VICKI BELO, DINEPENSAHAN SI HAYDEN KHO

Pinagpiyestahan nu’ng nakaraang linggo ang palitan ng Tweets nina Sharon Cuneta at Hayden Kho. At dahil sa bagong isyu na kinasangkutan ng lalakeng nauugnay sa kanya, hindi na napigilan ni Dra. Vicki Belo na depensahan si Hayden.

Ayon sa cosmetic surgeon, “Tahimik naman si Hayden. Nag-tweet lang ‘yung tao, wala namang ibinigay na kahit anong pangalan. Alam ko namang hindi si Mega ang tinutukoy, kasi, sinabi niya sa akin kung sino talaga ang tinutukoy niya. Patungkol ito sa kontrobersyal na billboard. Siguro may nagsulsol, sinabi na siya, hindi naman totoo. Wala namang reason. Sharon and I we’re not close friends but we are acquaintances, so it would be nice naman na okey kami. Walang bad blood.”

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

4 thoughts on “MYSTICA, FAITH HEALER NA!

  1. meron po ba kayo contact info or address ni mystica,it would be help for my fathers situation thanks

  2. its very obvious na pera lang habol ni hayden kay vicki…bulag lang tlga si belo kaseh wla n tlgang lalaki n mgkkagusto sa knya aside from her money and connection!binalahura n nga sya, pero binalewala lang nya un!hay nku..

    • Ako rin na turn off kay Belo, nagpakatanga, it's either she is stupid or she has a kind heart. Or maybe desperada na talaga. Sa mga naririnig kong mga balita, para tuloy siya na ang sugar mommy, may porsche daw si Hayden, (mahal yong mga sasakyan na ganyan, by the millions yata), may perfume business pa si Hayden, may expensive apartment pa na tinitirahan ngayon. Where did he get all those considering he is not rich? Yong Papa naman nya Doctor pero magkano lang ba ang kita ng doctor sa Pinas kung ikumpara dito sa tate. I wonder how ashamed Belo's daughter, son and ex-husband are right now considering they are so identified with Belo. Parang bumababa na yata ang moralidad ni Belo at ito na naman ngayon, nakisawsaw na naman si Belo sa awayan ni Hayden at Sharon. Pinababa lang talaga ni Belo ang pagkatao nya, akala ko noon, class sya, pero ng naging involved sya kay Hayden, nawalan na ako ng gana sa kanya, parang naaawa ako kay Belo, it shows that you can't buy happiness.

  3. Hay naku Hayden tumahimik ka na, wala kang budhi sa ginawa mo, how can belo accept him knowing he cheated on her, how could she stoop down to his level, desperate na ba talaga ang COUGAR na ito? Nakakahiya itong si Belo, I wonder how her daugher and son and even ex-husband who are so much identifed with Vicki, must have felt today, show shameful must they feel to some people know their Mommie Vicki is acting like she has lost her mind and dignity and parang naging sugar mommie ang dating.

Leave a Reply

Your email address will not be published.