Myrtle Sarrosa, kahit busy sa showbiz career, running for cum laude pa rin sa UP Diliman

Myrtle-Sarrosa

Myrtle Sarrosa

Masaya si Myrtle Sarrosa dahil running  for cum laude siya sa kursong Mass Communication sa U.P. Diliman. Kahit abala sa kanyang showbiz career, nagawa pa niyang bigyang pansin ang kaniyang pag-aaral. Katuwiran niya, ito ang magiging fallback niya  kapag wala na siya sa showbiz.
Sa mga nagtatanong kung bakit hindi siya madalas mapanood ngayon sa TV, nakapokus kasi ang dalaga sa kaniyang pag-aaral at pagpo-promote ng kaniyang album sa Ivory Music na “Now Playing Myrtle Sarrosa“.
Busy rin siya  bilang ambassadress ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners na bago siya ay nauna nang ininderso ni Maja Salvador.  Mas pinili raw na kunin siya at hindi na in-extend ang kontrata ng huli.
Totoo ba ang tsismis na marami raw demands si Maja kaya hindi na siya kunuhang muli? Pinabulaanan  naman ito ng  may-ari ng Megasoft na si Aileen Go,  sey niya ay okey naman daw ang naging working relationship nila ni Maja at tumaas naman daw ang sales ng kanilang produkto habang si Ms. Salvador ang endorser.
Samantala, alam ni Myrtle na puwede silang  intrigahin ni Maja, pero  hindi siya papatol dahil wala namang dapat pag-awayan kahit ang ilang fans nila ay nagpapalitan na nang hindi magandang salita sa social media. Isa pa, okey naman sila ni Maja.
Maraming activities na gagawin ang dalaga sa bago niyang endorsement. Isa na rito ang pagdiriwang ng “Sister’s Day” na may temang “We Are One, We Are Sisters” sa August 7, 2016 sa Starmall Alabang. Makakasama niya ang Hotlegs at ang grupong Gimme5 na sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at Grae Fernandez.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.