Myrtle Sarrosa, inspired kay Robi Domingo!

VERY VOCAL si PBB Teen Big Winner Myrtle Sarrosa sa pagsasabing interesado siyang pasukin din ang pag-aartista gaya ng mga naunang nanalo o naging housemates ng nasabing reality show. Kung anuman daw ang opportunity that will come along her way, she’ll grab it.

“Pero at the same time, like what I said… hindi ko kakalimutan ang studies ko po,” aniya nang makausap namin. “Kasi other than maging artista, pangarap ko po  talaga na maging lawyer. Dating pangarap ko lang po is to defend those who cannot defend themselves.”

Kung mag-aartista siya, okey ba sa kanyang magkaroon ng ka-loveteam at sino kaya sa mga Kapamilya young actors ang gugustuhin niyang makatambal?

“Uhm… loveteam? Hindi pa po ‘yon nag-pop sa mind ko,” sabay bungingis na sabi ni Myrtle. “Pero okey lang po sa akin whatever opportunities come my way po. I would always grab it kasi once in a lifetime. Pero sa loveteam po, wala pa po akong naiisip kung sino.”

Meron ba siyang mga crush na young actors?

Napaisip nang husto si Myrtle bago nakapagbanggit ng pa-ngalan.

“First ko po talaga (na crush), si Robi Domingo,” sabay bungis-ngis niya. “Si Robi… si Robi po!” tawa pa niya.

Why Robi? Ano ang nakita niya rito na wala sa iba?

“Dati po, sobrang sinusu-baybayan ko siya sa PBB. Kaya parang na-inspire niya rin po ako. Isa po siya sa mga inspiration ko po kung bakit mas ginusto ko rin pong sumali. Dahil nakita ko rin po sa kanya na grabe siyang magpursigi. Kaya gano’n po.”

Maraming nagsasabi, may hawig daw siya kay Erich Gonzales. Ano ang reaksiyon niya hinggil dito?

“Yes po… grabe!” nangiting sabi ni Myrtle. “Uhm… lagi nga pong may nagsasabi sa akin no’n. And for me po it’s… wow! Of course po, ang ganda ni Erich Gonzales. And… ‘yon po, it’s an honor po na sabihin ‘yon sa akin.”

Number four na at trending pa rin sa Twitter ‘yong tungkol sa mga hindi magagandang nasasabi ng mga haters niya.

“Lahat naman ng tao, uhm… kagaya ng sinabi ko… there’s always two sides of the coin. Some people like you. Some people hate you. And I respect their opinion. Kung ayaw nila sa akin. But at the end of the day, I’m very thankful na mas marami pa rin ang may gusto sa akin. Kesa sa mga tao na ayaw sa akin.”

Hindi siya nasasaktan sa mga negatibong nasasabi ng haters niya laban sa kanya?

“Of course po, nahe-hurt ako. But I would always look at the positive side. And the positive side is… mas marami pa rin ang naniniwala sa akin. And thankful ako sa kanila. And of course po, at least po napapansin ako ng mga tao na ayaw po sa akin,” nakangiting huling naging nasabi ni Myrtle.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

31 thoughts on “Myrtle Sarrosa, inspired kay Robi Domingo!

  1. eh, maganda naman siya e. yun nga lang, sana magpakaprofessional pa siya since she wants to enter showbiz, bakit hindi niya munang i-prove yung sarili nya na kaya nyang umarte, HINDI YUNG PURO PBB TEENS LANG?

    I’m not a hater nor a fan. I’m in between and I’m saying the truth.

    Maganda and I think she has a future, but I don’t think she can handle being a lawyer and an actress at the same time. She has to choose.

    Ano ba naman yung nasa mall show siya at babarilin na siya dahil sa naipanalo niyang kaso, di ba?

    She has to choose. Hindi sa pagiging sugapang. Pero, isa-isa lang. PBB TEENS KASI EH.

  2. bat ndi niya man lang binabanggit si robi sa pbb .. anu un? gusto nyang maissue kay robi sa labas? dapat nuon palang nung nasa loob pa ng bhay si myrtle. dapat sinabi niya na isa sa mga inspirasyon niya si robi

    • ou nga gusto nya lng ma-issue kay robi ehh.. ang sbi nya sa presscon nung paglbas nla sa bahay si biggel ung gus2 nya na loveteam.. wew showbiz tlaga cya .

  3. IM SURE UNG UNA AT PANGALAWANG NAGCOMMENT MUKHANG MGA BASURA KASI KUNG MAKAPANGLAIT AKALA MO KUNG SINO! SIGURADO AKONG MGA SAKSAKAN KAYO NG PANGET! 

    • sasha, I agree sa ibang nag comment dito, hindi rin kami maganda pero alam din natin na hindi rin naman maganda si Myrtle at let’s be honest here, kung gusto ng abs na mag rate yong bahay ni Kuya, piliin naman sana nila ang mga contestant ipasok nila sa bahay ni Kuya, no offense pero ang batch na yon ang maraming hindi star factor. Nagpakatotoo lang….. I know kasi I’m a talent scout.

  4. ANG YAYABANG NYO MAG COMMENT NG MUKHANG KATULONG AT CHAKA… MAGPAKITA NGA KAU NG MGA MUKHA NYO AT IPAGTABI KAYO KAY MYRTYLE….. KATULONG CGURO SYA PERO KAYO MGA MUKHANG BASAHAN…. C KIM CHUI BA AT ERICH GUMANDA AGAD PAGKATAPOS NILANG MANALO SA CNALIHAN NILA? KONTING PANAHON LANG ANG KELANGAN PARA MAGBLOOM AGAD C MYRTLE AT TIYAK GAGANDA P SYANG LALO AT KAIIINGITAN NYONG MGA MUKHANG UNGGOY….  MGA INGGITERA….

    • buti pa mga mukhang katulong na tulad nila pokwang. melai, kiray myrtle  sinasabi nio  at iba pa ay may mga trabaho / projects at sikat at pianguusapan parin.. kumpara sa mga kamukha ni marian ribera, sam pintoan at mga da hung artista ng gma na walang project ngayun at mga la ocean deep na..

Leave a Reply

Your email address will not be published.