“MY 2 MOMMIES” nina Paolo at Solenn, magugustuhan ng publiko!

Mother Lily Monteverde, Eric Quizon and Maricel Soriano

HAPPY si Mother Lily last night sa premiere ng “romcom with a twist” na “MY 2 MOMMIES” dahil sa magagandang feedback ng mga nakapanood ng movie.

Parehong magagaling sina Paolo Ballesteros at Solenn Heusaff at ang batang gumaganap na anak nila na si Marcus. Laugh trip ako sa pelikula dahil iba ang mga atake nina Direk Eric Quizon at Paolo sa mga scenes para matawa ka lalo pa ng mga hirit at timing ni Pao sa mga eksena niya.

Ang akala ko ay kinalawang na si Maricel Soriano sa pag-arte sa ilang taon niya na pamamahinga pero wala pa rin kupas si Marya sa mga eksena niya with Paolo.

Si Solenn, she can act kahit umaarya ang mga seksing kasuotan nya na feeling ko ay type ni Paolo suotin ang mga outfit ni Solenn sa mga eksena niya. Ang istilo ng pagpapatawa ni  Eric at ni Paolo sa mga eksena ay hindi pilit na kadalasan nangyayari sa mga pelikulang Pinoy kapag komedya ang peg.

MY 2 MOMMIES cast members

Sa tulad ko na hindi madaling patawanin ay makailang beses natawa sa mga hirit ni Paolo sa kanyang mga eksena. Hindi pilit ang mga comic scenes. Like ko ang My 2 Mommies na palabas na bukas, May 9 bilang Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.