Mutya ng Navotas, Isinagala

ISASAGALA NGAYONG araw Mayo 31, 2013 ang mga Mutya ng Navotas na taunang inaabangan sa nasabing lungsod ang Flores de Mayo mula sa labing-apat na barangay na magagandang dilag ang nagniningning sa makukulay at maliliwanag na kubol.

Ayon kay Ms. Jennifer Serrano, City Tourism Officer, sinisimbolo ng aktibidad na ito ang pagpapahalaga ng mga Navoteño sa katolikong tradisyon na Santa Cruzan sa ngalan ni Reyna Elena at Constantine at pagkahanap ng krus sa Jerusalem na nagging tradisyon na.

Bukod dito, inaabangan din sa nasabing okasyon ang mga gowns na suot ng mga sagala na dini-senyo pa ng mga kilalang designers sa Navotas at kalapit na lungsod nito na Malabon.

Magbibigay-saya at sigla naman ang mga nanalong drum and lyre group noong nakaraang Navotas Drum and Lyre Competition mula sa Bagumbayan Elementary School at Bangkulasi Elementary School.

Tatahakin ng mga lugar mula Rio Quatro, M. Naval St., Brgy. San Roque hanggang Navotaas Amphitheather, C-4 Road, Brgy. Bagumbayan North.

Kasabay nito, bibigyan rin ng pagkilala ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang bawat kalahok at 14 na punong barangay na walagn sawang sumuporta sa lahat ng aktibidades na lungsod.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.