Tanda Ba News?: Musta-sa, Ms. Alma?

Sino’ng hindi naloka nang madetine sa Guam nang halos isang buwan ang beauty queen/ actress na si Alma Louise Concepcion? Nahulihan kasi siya ng ilang gramo ng shabu. ‘Di ba’t nanawagan pa siya sa gobyerno na mangalap ng perang pampiyansa niya?

Taong 1998 pa ‘yun at kasabay ng pag-move on ng mga Pinoy, iba na ang trip ni Alma ngayon. Single-mom si Alma kay Cobie. Nagmamay-ari rin siya ng ilang restaurants sa Metro Manila plus rumaraket din as events organizer.

Teenager pa lang, rumarampa na siya sa mga beauty pageant. Kinse pa nga lang siya, rep na siya ng ‘Pinas sa Miss Hawaiian Tropic pageant sa Florida. Tourism student naman siya sa Uste nang manalo bilang Bb. Pilipinas- International. Sa Miss International pageant na ginanap sa Japan, inuwi niya ang Miss Friendship award at napasama siya sa top ten.

Pinasok niya ang showbiz, para mas lalong humaba ang buhok at resume niya. Dahil sexy at may ibubuga rin naman sa pag-arte, tinanggap siya ng industriya at tinangkilik ng madla. Fave niya ang role bilang kabit sa Sa Ngalan ng Pag-ibig. Dito kasi siya nagkaroon ng acting nomination para sa isang award, ‘no!

Pero alam n’yo ba na ang tatay ng anak niya, eh, ang abogado at negosyanteng si Dodie Puno? Oo, siya nga, ‘yung lalaking na-link din kay Gretchen Barretto at Ara Mina. ‘Yun nga lang, break na raw sila ni Dodie at may bago na siyang dyowa ngayon.

Mahalaga raw kasi sa kanya na okey ang relasyon ng anak niya sa tatay nito. Saka type niya rin ‘yung guy na kaya siyang iharap sa dambana at saka willing ipagamit ang apelyido nito sa anak nila ni Dodie.

Eh, teka Alma, ‘yung dyowa mo ba ngayon, siya na ba?

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.