Musmos Pa Lang Pumapasada Na!

• 0932138xxxx – Mr. Action Man, nais ko po sanang  ilapit sa inyo ang problema dito sa aming lugar sa Norzagaray, Bulacan. Ang mga edad na sampung taong gulang dito sa aming lugar ay nagmamaneho at namamasada na ng tricycle. Nag-aalala kami dahil kapag itong mga batang ito ay nakaaksidente, siguradong walang mananagot. Una po, wala itong insurance at higit sa lahat wala itong lisensiya para makapagmaneho. Ang mga magulang ng mga batang ito ay hindi inaalintana ang kapakanan ng kanilang mga anak. Sana po ay matugunan ninyo ang aming problema para po sa kapakanan ng nakararami. At sana po ay maipahatid ninyo ang bagay na ito sa kinauukulan. Maraming salamat po.

 

• 0927661xxxx – Boss Raffy, nais ko pong isumbong sa inyo ang isang pulis na mayroong motor na ang plate no. ay UH 1294 na walang pakundangan na humihingi ng tong sa mga Baywalk vendors. At ang kapal ng mukha dahil ito ay hindi naka-uniporme pero nagpapakilalang pulis. Marami pong mga tao ang nakakakita sa ginagawang pang-aabuso ng taong ito. Sana po ay mabigyan ninyo ng solusyon ang bagay na ito para hindi na po pamarisan pa ng ibang mga pulis. Maraming salamat po.

 

• 0919521xxxx – Mr. Tulfo, gusto ko pong ipaalam sa inyo ang mga nagaganap dito sa lugar ng Araneta. Talamak na talamak ang bentahan ng laman sa lugar na ito. Ang mga kawawang kababaihan ay kumakapit na sa patalim para lamang kumita ng pera. At ang isa sa mga bugaw rito ay si P01 Kasaba. Ang pulis na ito ay talagang nakikinabang sa pambubugaw sa mga menor de edad. Sana po ay makulong ang pulis na ito para matigil na ang pangungunsinti sa mga kawawang kababaihan na ito.

 

• 0909961xxxx – Sir Raffy, gusto ko pong ipaalam sa inyo ang talamak na tupadahan dito sa 4th Estate tuwing Linggo. At hindi lang po iyon kasabay din po ang sugal na kara-krus. Isinumbong na po namin ito sa aming kapulisan pero nananatiling bingi ang mga ito. Malamang po sa sigurado na nakikinabang sila rito kaya hindi nila mapatigil ang mga ilegal na gawaing ito. Sana po ay maaksyunan ninyo ang problemang ito.

 

• 0929608xxxx – Idol Raffy, isasangguni ko lang po sa inyo ang mga maling ginagawa ng ating mga kapulisan dito sa lugar ng Libis, Eastwood. Gabi-gabi po silang nakaabang sa lugar na ito para mangotong sa mga truck at close van. Ang mga abusadong ito ay mga nakasuot pa ng itim na jacket at walang pakundangan kung manghuli. Sana po ay matulungan po ninyo kami para matigil na ang pagmamalabis ng mga taong ito. More power po sa inyong show. Mabuhay po kayo!

 

KUNG KAYO ay may mga sumbong na nais ninyong iparating sa inyong lingkod itawag sa ITIMBRE MO KAY TULFO (IMKT) sa 0908-87-TULFO. Ang IMKT ay isang segment ng Balitaang Tapat na mapapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:15. Maaari ring kayong tumawag sa WANTED SA RADYO (WSR) sa 0917-87-WANTED. Ang WSR ay mapapakinggan sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes 2-4 pm. Ito ay mapapanood simulcast sa AKSYON TV, Channel 41. Maaari ring kayong tumawag sa T3 sa 0918-983-T3T3. Ang T3 ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00pm sa TV5.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.