Muslim, Patay sa Resbak; Batang Lalaki, Sugatan

PAGHIHIGANTI ANG isa sa tinitingnan na anggulo sa pagpatay sa isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng ‘di pa kilalang salarin habang ang una ay nakatayo sa kalsada samantalang sugatan naman ang isang batang lalaki nang mahagip ng bala kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang isinusugod sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mampaya Sarip, 40, tubong-Lanao de Sur, ng Concencia St., Brgy. Commonwealth, Litex, Quezon City.

Ginagamot naman sa nasabi ring pagamutan si Allein Matias, 13, ng Phase 7-C, Package 11, Blk. 15, Lot Excess, Brgy. 178, Bagong Silang, Caloocan City, sanhi ng tama ng bala sa kaliwang hita.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Domuto Avenue, Phase 12, Brgy. 188 ng nasabing lungsod.

Nakatayo si Sarip sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing magkakasunod na pinaputukan ang una saka tumakas at aksiden-teng nahagip din ng bala si Matias.

Kapwa isinugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Sarip.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, sinasabing paghihiganti ang motibo sa pagpaslang kay Sarip dahil sa dating away-pamilya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Muslim, Patay sa Resbak; Batang Lalaki, Sugatan

Leave a Reply

Your email address will not be published.