Musikera, bugbog-sarado sa ka-live in

NAGMISTULANG KULAY TALONG ang mukha ng isang dalaga na miyembro ng isang banda matapos itong gawing punching bag ng kanyang live-in partner na lango sa alak kagabi sa Caloocan City.

Namamaga sa pasa ang mukha nang magtungo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ang biktimang si Rosalyn dela Cruz, 26, ng # 126 Calleja St., Bagong Barrio, Caloocan City upang pormal na magsampa ng reklamo.

Nawala naman ang kalasingan nang isalya sa selda ng Caloocan Police si Darryl Jayme, 25, live-in partner ng biktima, residente ng nasabing lugar at nahaharap sa kasong Physical Injury in relation to RA 9262.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-live-in.

Ayon kay dela Cruz, umuwing lango sa alak ang suspek at walang sabi-sabing pinagsusuntok ito sa mukha at sinabunutan.

Nagawa namang makatakas ng biktima at agad na nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya para ireklamo ang suspek na naging dahilan ng agaran nitong pagkakadakip.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.