Music Trip: ST4Y UP by Nadine Lustre, nakakaaliw pakinggan at panoorin!

 

Nadine Lustre (ST4Y UP)

HANEP talaga itong pasabog ni Nadine Lustre!

January pa lang, pero samu’t saring projects na ang inilantad ng kampo nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine para sa taong 2018. Nar’yan ang Valentine concert nila na Revolution na magsisilbi rin na second anniversary offering nila para sa kanilang loyal following.

Kahit pa nagkaroon ng isyu, mukhang naitawid pa rin ng JaDine ang problema nila sa set ng Never Not Love You dahil kasalukuyang nasa London ang magdyowa para tapuson ang pelikula nila with Antoinette Jadaone and Dan Villegas.

Come midnight, nilabas ni Nadine sa pamamagitan ng YouTube channel ng Careless Manila Records ang official music video niya for her new dance song ‘ST4Y UP‘, na talaga namang nakakaadik at paulit-ulit na namin pinapakinggan. Hindi rin nagpakabog ang dalaga sa kanyang dance moves at pinatunayan na siya ang Multimedia Princess ng kasalukuyan. Slay kung slay!

Si James at Nadine ang nag-collaborate para isulat ang kanta. Ang music video ay dinirek ni Petersen Vargas (2Cool2B4Gotten) at si Nadine rin ang executive producer ng music video. In fairness, pinapatunayan ng JaDine na alam nila kung ano ang gusto ng kanilang fans!

Panoorin ang music video at i-share sa amin kung ano ang inyong opinyon. Hmmm… kapansin-pansin na hindi niya leading man dito si James samantalang sa music videos ng dalaga ay present lagi si Nadine, huh!

 


Music Trip

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.