Murder case sa isang binata, lutas na

LUTAS NA ang kaso ng pagpatay sa isang binata sa Brgy. FVR, Norzagaray, Bulacan makaraang madakip ang mga suspek.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt Roginald Francisco kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Reymark Ancajas, 21; Maganino Salas, 20; at Empire Salas, 19; habang pinaghahanap pa rin ang isang alyas Tisoy.

Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Jerrle Ayen Y Pulovoriza, 27 anyos, residente ng Blk-7, Lot-60, Phase-3, Brgy. FVR.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad,papauwi na ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang harangin umano ito ng mga suspek na lasing sa alak sa makitid na daan ng lugar.

Kung saan walang sabi-sabing inupakan ng saksak ng biktima, dahilan upang agad rin itong isugod sa pinakamalapit na pagamutan, subalit idineklara itong dead on arrival.

(Tony dela Peña)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.