Mura, tumilapon palabas ng tricycle

TUMILAPON ANG KOMEDYANTENG aktor na si Mura o sa tunay na buhay ay Alan Padua sa kinasangkutang vehicular accident kamakalawa ng umaga sa Guinobatan, Albay.

Agad namang naisugod sa pagamutan si Mura pati ang kapatid nitong si Salvacion Olavides at anak nito na kanyang mga kasama.

Batay sa ulat ni PO3 Kervin Nazarea ng Guinobatan PNP, binabagtas ng sinasakyang tricycle nina Mura ang kahabaan ng Doña Mercedes nang pumutok ang gulong ng naturang sasakyan dahilan para tumilapon palabas si Mura.

Nalapatan ng lunas sa Gata Garcia Hospital sa bayan ng Guinobatan, Albay ang mga biktima na ngayo’y nagpapagaling.

Unang lumabas ang naaksidenteng aktor sa dating TV show na Magandang Tanghali Bayan kung saan sila ay pinag-partner ng aktres na si Mahal, at gumanap bilang si Impakta sa isang teleserye. (Benedict Abaygar, Jr.)

loading...

2 thoughts on “Mura, tumilapon palabas ng tricycle

  1. Namayapa na po si Mura kaninang alas-4 ng umaga. Ang kanyang labi ay nasa Funeraria Burlat sa Guinobatan, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.