Mura, naghihintay pa rin ng tulong: Angel Locsin, ‘di marunong tumupad sa pangako?!

LUMUWAG NANG TULUYAN ang dibdib ni Jinkee Pacquiao ngayong ikakasal na si Krista Ranillo sa non-showbiz boyfriend sa Amerika. Ayon sa impormante na ating nakausap ay this month na ang kasal ng aktres.

Feeling daw ni Jinkee ay at long last, natuldukan na ang kanyang kalbaryo dahil sa lahat ng mga artistang na-link sa Pambansang Kamao ay bukod tanging si Krista ang “kinabaliwan” ni Pacman.

Sa kabilang banda, walang balak daw ang pamilya ni Krista na kuning Ninong si Manny Pacquiao sa nalalapit nitong kasal. “Sus! Of all people, bakit si Manny pa?” say ng aming impormante.

ILANG BUWAN NA ring nagkausap sina Mura at Angel Locsin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pala dumarating ang “ipinangakong” tulong ng aktres matapos na madisgrasya ang dwarf actor sa Guinobatan.

Ayon kay Mura, isa raw si Angel sa unang tao na nakaalam sa aba niyang kalagayan. “Sabi niya sa akin, tutulungan niya ako pero hindi naman ako nagmamadali sa tulong niya. Kasi kahit hindi naman niya ako tulungan e, nagpapasalamat ako nang malaki sa kanya.”

Sa kabilang banda, matatagalan bago uli makapag-work si Mura dahil hanggang sa mga sandaling ito ay maiksi ang kanyang mga paa. “Ang sabi ng doctor, babalik naman daw sa normal pero maraming gamutan pa ang dapat na mangyari,” ayon pa kay Mura.

Marami na ang nangakong tutulong kay Mura at ilan nga sa mga ito ay sina Congresswoman Lucy Torres at Willie Revillame. “Si Mahal, okey lang na hindi niya ako tulungan dahil alam ko namang mahirap lang din siyang tulad ko, basta sapat na sa akin ‘yung pinadalhan niya ako ng load noon,” tumatawa pang pagwawakas ni Mura.

DEADMA LANG ANG kampo ni Sam Milby sa pagmamaasim ni Uma Khouny matapos na tawagin niyang “kupal” si Sam. Ayon sa isang taong malapit kay Sam, mas maraming magagawang mabuting bagay ang aktor kesa patulan ang mga intrigang hindi naman makatutulong sa aktor.
Nag-ugat ang pagtawag ni Uma kay Sam ng “kupal” nang mag-guest ang una sa programang Paparazzi na ang naging topic ay tungkol sa pagkakaroon ng “anak” ni Sam sa kapatid ni Uma.

Samantala, noon pa raw gustong magkaroon ng communication ni Sam sa kapatid ni Uma at sa “anak” nito, pero hinahadlangan daw ng mga taong nakapaligid sa aktor, dahil takot ang mga ito na “masira “ ang magandang image ng aktor.

TIGBAK NA ANG programang Sharon, dahil bukod sa hindi na ito nagre-rate ay hindi na raw masyadong click at in ang mga ginagawa ni Megastar Sharon Cuneta sa nasabing show. “Yup mawawala na siya pero hindi si Sharon, dahil may isang bonggang show na ipapalit. Si Megastar din ang host at ito ay parang talent search.” sey ng aming source.

Yes! Isang talent search ang papalit sa Sharon, kung saan ang tema ng show ay paghahanap sa mga bagong mukha na may bagong talent sa pag-awit. Fit na fit si Sharon sa nasabing show dahil kumakanta siya.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

12 thoughts on “Mura, naghihintay pa rin ng tulong: Angel Locsin, ‘di marunong tumupad sa pangako?!

  1. at least may natutulungan siya. try nyo rin kaya tumulong… pag artista ka, pag tumulong ka, sasabihin, plastik ka. pag dka tumulong, may sasabihin pa rin ang iba? ano ba talaga? buti nga siya nakakatulong eh.

    • kung bakit naman kase nangangako kung wala naman pala talagang balak tumulong.. kung walang pangako, walang aasa…

  2. si anghit locsin magbibigay lang ng tulong yan pag naka video at ipapalabas sa news .. eksenadorang laos kasi papansin.. on her own, asa ka pa!! ngayung na publsh na to malamang mamaya andyan na ang tulong mu heheh ….o di ba nag pa ka eksenadora sa ondoy me papasan pa ng bigas ,yun pala MANGHIHINGI LANG NG MGA GAMET NG ARTISTA TAPOS SHA LALABAS NA TUMULONG KAPAL NG MUKHA KAYA AYAN LAOS NA NI WLALNG PALABAS SA TV AT PELIKULA ISIP PA NG ABS KUNG ILALABAS PA ANG V SHOW SA PANG HATING GABI NA IME SLOT HAHAH

  3. PARANG politically incorrect na tawaging ‘dwarf actor’ si mura, ang tama dyan ay ‘midget actor’. ang tanga naman ng writer dito.

  4. ano ka vah mura matagl bago ka matulungan ni angel tabaing pokpoksin dahil manghihingi pa sya ng pera sa dyowa nyang mayamang intsik! huwag demanding hahaha!

  5. Nku pg ako nging artista mlamng papatol skin yng baklng Sam nayan, pero girl me ha! Mabibighani yn sa kagandahan ko at ayoko rin sya pakagpasin kc inlove n yta me s knya! Bwihahahahahahahaha! But it’s true I like him,

  6. kay angel kapa humingi ng tulong e plastic naman yan.magsama ka g reporter at photographer malamng magbibigay yang laos nayan

Leave a Reply

Your email address will not be published.