Munting anghel,ginahasa ng demonyo!

 

DEMONYO ANG pag-iisip ng isang 19-anyos na lalaki matapos nitong gahasain at abandonahin sa isang bukid ang isang taong gulang na munting anghel sa Brgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Fernando Mendez, Jr., dumulog umano ang ama ng biktima sa Plaridel Police para ireklamo ang suspek na si Charly Basilisco, Jr., 19 anyos, binata, at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na barangay na siyang responsable sa panghahalay sa kanyang anak.

Agad na tumugon ang grupo ni P/Supt. Domingo at kasama ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) ng Brgy. Sto. Niño, natunton nila ang suspek at naaresto sa Gov. Padilla Road, habang naghihintay ng masasakyan patakas.

Nakuha naman ng mga residente ng barangay ang biktima na itinago sa pangalang Ricca, sa isang madamong lugar ng bukid na nakahandusay at tigmak ng dugo ang maselang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na im-bestigasyon ng pulisya, masaya umanong nag-iinuman ang ama ng biktima at ang suspek na kanilang itinuring na malapit na kamag-anak, at mga bisita dahil sa birthday ng biktima.

Bandang alas-7:30 ng gabi, napansin ng ama na wala na ang kanyang anak at ang suspek kaya nagpasya na ito na dumulog sa pulis.

Nabatid na lagi umanong isinasama ng suspek ang biktima sa pamimisikleta kung saan tiwala naman ang kanyang mga magulang dahil sa itinuring na rin nila itong kabilang sa pamilya.

Samantala, positibo namang ginahasa ng suspek ang biktima base sa isinagawang pagsusuri ng Bulacan Crime Laboratory, kung saan lumitaw na nawarak umano ang ari ng biktima dulot ng matigas na bagay ang ipinasok dito.

Kasong Rape in relation to RA 7610 ang isinampa sa suspek na kasalukuyang nakadetine sa Plaridel Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.