Muntik nang mapaaway Aljur Abrenica, kinursunada ng ‘bumbay’!

NAKU! TINANGGAP KO na ang alok ng ABS-CBN 2 kay Christopher de Leon, kaya hindi na ito matutuloy sa TV5.

Maganda ang project na gagawin niya sa Dos na ang alam ko sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang makakasama niya.

Nagustuhan niya ang project kaya madali lang ang usapan namin sa mga taga-Dos.

Pero gagawin pa rin ni Boyet ang guesting niya sa TV5 na mini-series ni Nora Aunor.

Hinihintay na lang ng aktor ang script, kung ano talaga ang gagawin niya sa mini-series na ito ni Guy.

 

BONGGA PALA SI Manny Pacquiao, huh!

Ang nakarating na balita sa amin, umaariba raw sa music chart sa Amerika ang kantang ni-record niya na Sometimes When We Touch.

Ang original na kumanta na si Dan Hill ang ka-duet niya sa kantang ‘yun at ayon sa balita, nasa number 7 ng Secondary Adult Contemporary Chart daw ang kanta niya ngayon na dati’y number 11 pa lang siya.

Iba talaga ang kasikatan ni Manny na hindi lang dito sa atin kundi buong mundo na!

Paboritong kanta ni Manny itong Sometimes When We Touch at puring-puri siya ng mga record producer sa Amerika sa bersyon niyang ‘yun kaya naman tinangkilik nang husto.

Abangan natin sa Manny, Many Prizes bukas kung kakantahin niya ito dahil nga mukhang aariba pa raw ang kantang ito sa Amerika.

At least hindi lang pang-boxing si Manny kundi pati na rin sa music industry.

Bongga, ‘di ba?

 

ABANGAN N’YO PALA sa Startalk bukas ang exclusive interview namin kay Aljur Abrenica tungkol sa insidenteng muntik na itong napaaway sa isang sinehan sa Eastwood nu’ng nakaraang Linggo.

Kuwento ni Aljur, kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na nanood ng sine sa Eastwood. Pagkatapos ng sine na sana lalabas na sila, tiningnan daw ito ng masama ng isang Indian national at tinanong pa raw siya ng “what’s your problem?”

Nagulat si Aljur bakit siya tinanong nang ganu’n gayung wala naman daw siyang ginawang masama. Mabuti at hindi na ito pinatulan ng young actor, pero hinawakan pa raw siya sa balikat at talagang napag-initan. Kaya nagreklamo sila sa guard at kinausap itong taong ito. Nagkaayos naman daw sila at humingi ng sorry sa kanya ang taong ito.

Ang tingin ko lang diyan, nakursunadahan si Aljur dahil siguro kinilig-kilig ang mga babaeng ka-date nu’ng Indian national na ‘yun.

Talagang malapit sa gulo si Aljur, pero hindi raw niya ito pinapatulan dahil mahirap na dahil siya ang kilala, siya lang ang talo dito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

16 thoughts on “Muntik nang mapaaway Aljur Abrenica, kinursunada ng ‘bumbay’!

  1. ginagaya nman talaga ni aljur si Piolo. obvious na obvious noh. nagpapaamo ng mukha at nag pa abs pa.

    sus todo effort siya dun pero sori ka nlng aljur. effortless si Papa P. kasi natural siyang hot, sexy at goodlooking. wala kang panama boy! si Piolo ang standard ng kagwapuhan, gaya gaya ka lang. 

  2. HAHAHA!! Di kasi alam ni aljur isasagot niya.. nagulat kasi english. Buti nga sayo gumanda lang katawan mo ang yabang mo nawala naman career mo! hahaha

  3. mayabang talaga ang mga foreigners..eto namn kasing mga pinoy, takot mag-english o kaya naman hangang-hanga sa kanila.and with aljur naman, hindi naman talaga gwapo,…puro pakita lang ng katawan!

  4. TARANTADO PALA KAYO MGA PILIPINONG BOBO AT BOBA BAKIT NINYO KAKAMPIHAN YUNG INDIAN KAYA KAYO NAAAPI NG DAYUHAN SA SARILI NATING BANSA.MAYABANG ANG INDIAN NA YUN KUNG AKO KAY ALJUR PINABUGBOG KO ANG TARANTADONG YUN.NASA SARILI MONG BANSA TATANUNGIN KA NG ISANG GAGONG DAYUHAN.AT ITONG KASAMANG PINAY TIYAK HOSTESS YUN.

  5. sad to say pero it seems like there was genuine love between manny and krista. yung mga songs ni manny talagang parang may message na gustong iparating.

  6. aljur mayabang ka wala ka naman dapat ipagmayabang bano ka pa umarte kala naman nito kung sino hoy aljur magworkshop ka muna bago ka magmayabang tse

  7. Yay! ang tinaguriang Drama King Christopher De Leon makakasama ang 2 sa Drama Kings na kanilang henerasyon Jericho Rosales And Piolo  Pascual! siguradong maganda at bigatin ito.

  8. To Manay Lolit.. totoo ba yung naisulat mo po na kasama si aljru sda movie ni robin padilla? at tanung ko lang po totoo bang kasama siya sa movie ni cesar montano under viva films? diba regal baby si aljur? at paki sabi naman kay shalala po na wag niyanmg sasabihin na nag iinarte si aljur dahil nawala sa panday.. eh ang dapat sisihin diyan yung humahawak ng sched ni aljur dahil ang gma ang nag papadala kay aljur sa states para sa pinoy tv!! haller ka shalala buti nga binara ka ni mr. jobert sucaldito

  9. napakabobo pang sumagot.. mali mali ang english… mag aral ka aljur kasi ang bobo mo talaga…halatang halata ka sa kabobohan..

  10. lagi pang nkahubad yun lang kaya gawin eh hindi kasi marunong umarte… bukod sa ham aktor na akala sikat eh hindi naman….. ang nagbaitbaitan ang drama niya,,, halata kinukopya si piolo eh ang layo nnaman kay piolo mukhang lang siya alila ni piolo …

  11. mayabang naman talaga ang ALJUR ABRENICA na yan lagi naman may kaaway.. di ba dati meron sikat n sikat na young actor at ubod ng gwapo ang binangga ni aljur…tinawag niyang liar at binaligtad pa.. eh alam naman ng kampo ng sikat na sikat at napakgwapong aktor ang plano panggamit sa kanya ni aljur kaya tumahimik siya… hinayaan na magsalita si aljur … kaya napurnada si aljur hindi tuloy siyA NAPAG USAPAN.eh kumpara sa napakagwapo aktor at sikat na sikat magmumukha ka lang driver at tsimoy.. ..lagi hindi daw nahahanap ng away… hay naku aljur dati ka pang mahilig sa away dahil ubod ka ng yabang eh starlet boy ka lang naman.. copy cat ni piolo pascual… pangit pa ang akting hindi talaga marunong… umuwi ka na sa lugar mo dahil mas madami deserving kesa sayo… hindi ka naman kagwapuhan… pang bading lang ang dating mo … call boy na call boy.. GIGOLO…

  12. @eye of the tiger, speaking about Krista Ranillo, I feel sorry for her kasi maski nag-asawa na siya ngayon ng iba, she will still be remembered as the other woman one time in her life. Hindi na yon maialis pa sa mga isipan ng mga tao. I remember one time I read an article ni Ricky Lo na nakita daw nila si Krista sa isang coffee house dito sa states so ininterview daw nila at sinabi daw nitong si Krista na wala na raw talaga sila, so in other words, they were really an item before, right? Anyway, after a few minutes daw, dumating daw itong ama ni Krista na si Matt Ranillo daw at tinanong daw si Krista na what is this about daw, Krista said daw na nothing, we were just talking. Yon na!!!!! How sad, na hindi pinag-isipan ng maigi ang gagawin sa buhay lalo na kung ikasira ito sa ating pagkatao. Lalo na kung gagawin mo yong parang mang-aagaw ka, di ba? Para na ring inagawan mo ng kabutihan at kaligayahan ang mga anak ng inaagaw mo. Anong say mo dito Jin Kye Pacwoman, totoo ba ito? Bat kaya sinabi ni Jin Kye na pinatawad na nya si Krista. Ano ba kaya ang ginawa ni Krista sa kanya? I’m confused!!!!!!

  13. Paborito ni pacquiao ang kantang SOMETIMES WHEN WE TOUCH dahil yan ang team song nila ni KRISTA RANILLO. kinakanta -kanta yan ni manny habang magkasama sila ni krista sa AMERICA. dedicate pa yan ni manny sa late night show dun then saka sila sabay na umalis kung saan yun ang kauna-unahang NABUKING SILA NI KRISTA dahil sa mga paparazzi dun kumalat ang litrato nila ni krista.

Leave a Reply

Your email address will not be published.