Muntik nang malitson: Megan Young, na-trauma sa shooting ng horror film! – Alex Brosas

NAG-RESIGN NA PALA si Francine Prieto sa Bubble Gang.

Sa kanyang text sa kanyang showbiz friends, sinabi niyang wala na rin siyang kontrata sa Kapuso network kaya libreng-libre na rin siyang umapir sa anumang network.

Ito ang sabi niya sa kanyang text message: “Hi, po! Francine here. Wala na po ako exclusive network contract with GMA kaya free na po ako mag-guesting sa iba. Tapos na rin po ako sa Darna and I left Bubble Gang na rin po due to personal issues. Kung may guestings, project or raket, you may contact Ricky Gallardo. Kung may problem, you may text me. Have a great day!”

Ang alam namin, magkakaroon ng revamp sa Bubble Gang at may mga mawawala sa gag show na ito na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Michael V. Baka inunahan na lang ni Francine ang GMA management.

Nakakaloka dahil nakita pa namin si Francine sa Bubble Gang last week. At ang huli niyang appearance nang regular sa TV ay bilang Babaeng Tuod sa Darna.

Hindi kaya lumipat na si Francine sa Dos lalo pa’t wala naman siyang kontrata ngayon sa Siyete?

INAMIN NI MEGAN Young na na-trauma siya nang muntik na siyang masunog habang nagsusyuting ng horror film.

“Talaga pong natakot ako. Iyak po ako nang iyak. Hindi naman po inabot ng apoy ang suot kong gown, pero muntik na po,” kuwento ni Megan sa Christmas party for the press ng Star Magic the other day.

Hindi naman pala alam ni Megan na dapat siyang magpasalamat kay Zoren Legaspi na kanyang co-star sa horror movie niyang ipalalabas sa Metro Manila Film Festival. Si Zoren kasi ang nakaisip na magpahanda ng timba-timbang tubig para gamitin kung sakaling may mangyaring aksidente sa eksena ni Megan.

Sa nasabing eksena, nakasabit sa harness si Megan at sa ibaba niya ay apoy. Biglang lumaki ang fire kaya naman nataranta ang lahat ng involved sa shooting. Buti na lang at may foresight si Zoren.

Maganda ang tinatakbo ng career ni Megan dahil hindi siya nawawalan ng assignment. Sa ASAP, nagho-host siya at minsan nagpo-production number. May movie naman siyang ginagawa. May show rin siya sa TV. Napansin siya nang husto ng gumanap siyang kapatid ni Ruffa Gutierrez sa Betty La Fea.

NAKAKA-RECOVER NA RAW si Dominic Zapata mula sa break-up niya kay Krista Ranillo.

Ang tsika sa amin, medyo tulala raw ito noong unang napabalita ang relasyon diumano ni Krista sa champion boxer na si Manny Pacquiao. Lagi lang daw ito sa isang tabi at hindi makausap. Halata raw dinamdam nito nang husto ang matinding dagok na dumating sa kanyang personal life.

But now, nakakausap na raw si Dominic. Parang kinalimutan na raw nito ang kinasapitan ng kanyang pag-ibig kay Krista.

In short, unti-unti nang nakaka-move on ang binatang direktor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Muntik nang malitson: Megan Young, na-trauma sa shooting ng horror film! – Alex Brosas

  1. kaya tulala c dominic z ay dahil hindi xa makapaniwalang naloko xa ng pacbet. pano mo nga naman mababawi yong nagastos mo sa school ng social climber, homewrecker na iyon? hay naku, charge it to experience na lang. next time huwag mo nang gastosan ang mga babae. hayaan mo clang kumayod sa sarili nila. pag nakahanap ka ng babaeng katulad ni krista na bilmoko at sadyang humihingi ng favors, iwanan mo na agad. it’s just sad u learned ur lessons the hard way. wag ng pauto, k? para hindi kana matulala next time. joke. me karma naman eh. naniniwala ako dun. hintayin mo na lang.

  2. Kawawang Dominic Zapata. Nahuthutan ka lang ni Krista Ranillo. Kailangan kasi ng pang tuition, pare!! Saka nakahanap na ng matabang isda. Balita ko, meron naman daw ibinibigay na pambayad sa nagastos mo yung lalaki pero ibinulsa din daw ni Krista. Nanghinayang din na ibigay sa iyo..grabe ang kapal ng babaeng iyon. Hindi na naawa sa iyo, Dominic. Iniputan ka habang kayo pang dalawa.Naghahanap lang pala ang malilipatana ng lukaret.

Leave a Reply

Your email address will not be published.