Munti, Palalakasin pa ang Health Services sa Tulong ng PhilHealth

MAS MAY pagkakataon na ang mga Muntinlupenyo ngayon na matugunan ang kanilang pangangailangan sa tulong-pangkalusugan dahil sa realignment ng mga financial priorities ng Pamahalaang Lungsod tungo sa kapakanan ng mas nakararami.

Ito ay dahil nakatakdang maihanay ang pondo ng dating Green Card na nagkakahalaga ng mahigit P12 milyon sa PhilHealth Card na magsisilbing tulong-pangkalusugan sa bawat Muntinlupenyo.

“Ito ay isa sa ating mga pangunahing ipinapanukala sang-ayon sa ating hangarin na mas mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan,” ani Mayor Jaime R. Fresnedi.

Sa P12, 606, 641.01 na natitirang pondo sa Green Card, hiniling ni Fresnedi na madaliin ang paghahanay ng pondo sa PhilHealth upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga Muntinlupenos.

Sa ilalim ng paghahanay na ito, handang makipagtulungan ang Employees Medicare Healthcare Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag pondo na nagkakahalagang 20million pesos.

Layon ng dagdag-pondo na ito na matulungan ang mga Muntinlupenyo na maging miyembro PhilHealth, kasama ang mga dating miyembro ng Green Card program. Nangangahulugan na mas maraming mga mamamayan ang matutulungan sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, tulad ng pagpapaospital dahil sa aksidente o karamdaman.

Makikipagtulungan din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsasagawa ng screening sa mga Muntinlupenyong higit na nanga-ngailangan ng suporta sa kalusugan.

Inaasahan ni Fresnedi na maproseso nang maayos ang nasabing paghahanay upang mapakinabangan ito agad ng mga Muntinlupenyo sa darating na taon.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.