Munisipyo sa Masbate, Binulabog ng Pagsabog

NABULABOG ANG mga residente sa Barangay Poblacion sa Bayan ng Batuan sa Masbate ma-tapos ang pagsabog ng isang improvised explosive device (IED).

Base sa report na kinumpirma ng Masbate Police Provincial Office na sumabog ang naturang IED, 150 metro ang layo sa municipal hall ng nasabing lugar.

Narekober sa lugar ang pira-pirasong wire, lata ng pintura at mga piraso ng pinutol na steel bars.

Suwerte naman na walang sinuman ang nasugatan sa naturang insidente.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy ang nasa likod ng nasabing pagpapasabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.