Municipal Councilor, tigok sa Huwebes Santo

ILOCOS NORTE – PATAY ang isang municipal councilor sa lalawigang ito matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang kalalakihan noong umaga ng Huwebes Santo sa hindi matukoy na dahilan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sangguniang Bayan Member Randolph Magno ng Dingras, Ilocos Norte na agad na namatay sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril matapos na tumama ang anim na bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nabatid na nasa loob ng isang machine shop sa Bgy. Pariir si Magno nang pagbabarilin ng mga suspek.

Malaking palaisipan sa mga miyembro ng pamilya ng biktima kung ano ang motibo ng naturang pamamaslang dahil wala naman umano silang natatanggap na pagbabanta laban sa buhay ng biktima.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Ilocos Norte-PNP para agad na matukoy ang motibo sa krimen at para matunton kung sino ang mga salarin.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.