Multang 100K at 2-Taong Pagkabilanggo sa Maling Pagkanta ng Lupang Hinirang

BINABALAAN ANG LAHAT ng artista at mang-aawit na kailangang awitin ang Pambansang Awit na Lupang Hinirang nang naaayon sa tamang istilo at tiyempo nito, at kung sino man ang lumabag dito ay mahaharap sa alanganin sa panukalang batas sa Kongreso na naglalayong gawin itong isang criminal offense.

Sa pagkakapasa sa ikalawang pagbasa sa unang salang nito sa ng 15th Congress, ang House Bill 465 or An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines ay may multang P100,000 at dalawang taong pagkakabilanggo sa sinumang lalabag sa nasabing batas.

Natutuwa naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. dahil sa mabilis na pag-usad ng nasabing batas.

“A number of bills are set to hit the floor… So it won’t be all privilege speeches anymore, we will be tackling bills coming from committees,” ani ni Belmonte sa kanyang weekly news conference.

Nakapaloob din sa batas na kailangang tumayo nang tuwid at umawit nang tama sa oras na marinig ang Pambansang Awit.

Aarestuhin ng mga security personnel ang sinumang lumabag sa kautusang ito, lalo na sa mga sinehan, kung saan naririnig din ang Pambansang Awit.

“The bill now has more teeth. It aims to update the law in the light of contemporary changes in attitudes and idioms,” pahayag ni Sorsogon Representative Salvador Escudero, pinuno ng committee on basic education and culture at isa sa mga may-akda ng naturang panukalang batas.

Ipinag-uutos din sa lahat ng opisina ng gobyerno at pribadong sektor na maglagay o magsabit ng watawat ng Pilipinas tuwing May 28, National Flag Day hanggang June 12, Independence Day.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Multang 100K at 2-Taong Pagkabilanggo sa Maling Pagkanta ng Lupang Hinirang

  1. Diyos me… naghihirap na ang Pilipinas, ito pa ang binibigyan ng importansya ng gobyerno!? Anu na lang ang gagawin ng mga tao??? HUWAG KANTAHIN ANG PAMBANSANG AWIT!!! Kahit ang mga bata na sintunado baka makulong pa!

  2. THIS IS JOKE, RIGHT?!?!?! Pwede ba, ang dami nga dito sa Pilipinas na hindi nakukulong, eh mga mamatay tao pa yun. Tapos mali lang ang kanta, maeron ng multa, kulong pa. HOY mga pamunuan, gumawa nga kayo ng tamang batas. MGA SIRAULO AT BOBO kayong mga nasa pamunuan!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.