Multa sa Colorum Buses, Itataas sa Milyon

IKINOKONSIDERA NG Department of Transportation and Communications (DOTC) na itaas sa milyong piso ang halaga ng multa para sa mga nag-o-operate na colorum buses.

Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya sa budget hearing ng Kamara, tinatrabaho na ng DOTC at LTFRB ang pagtaas ng multa bilang paraan ng pag-alis sa colorum vehicles.

Sinabi ni Abaya na hindi na angkop ang abot-kayang halaga dahil mabigat na ang problema sa iligal na operasyon ng mga bus sa bansa.

Mayroon na din umano silang pinag-aaralan na bagong teknolohiya kontra colorum na inaasahang magagamit agad sa EDSA sa lalong ma-daling panahon.

Inihayag naman ni Angkla party-list Rep. Lito Manalo na kailangan na ring gawing kasong kriminal ang operasyon ng colorum buses at ipa-kulong pati operators ng mga ito.

Sinabi ni Manalo na hindi dapat na ang mga drivers lamang ang pinaparusahan kundi lalo na ang mga operators dahil bukod sa kawalan ng prangkisa ay hindi rin sila nagbabayad ng buwis.

Samantala, kung maaaksidente kasi ang colorum na sasakyan ay walang matatanggap na benepisyo ang mga sakay nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.